DOMINIC'S POV
Taas-noo kong nilakad yung mall habang naka Gucci pouch bag, maroon dress, at black heels. Lahat ng mga tao tumitingin sakin pero tinataasan ko lang sila ng kilay.
I want something new in my life. Something that would satisfy me.
Paano mag-move on? Simple lang.
Iwanan ang katangahan, irampa ang kagandahan.
"Nikki, para mo kamo akong alalay." Angal ni Sab habang kasabay ko maglakad.
"Ano ba kasing bibilin mo?" Nasagot yung tanong niya nang makarating kami sa tapat ng establishment ng cliché product ni Papa at laking gulat niya na ako yung cover model.
Two weeks ago after Calvin's words of wisdom and I'm here standing on my own feet, facing my new life.
My dad also gave me this chance to survive. Ginawa niya akong model, pinasikat niya ako at higit sa lahat, binago niya yung buhay ko.
Hindi na ako yung dating Dominic na iyakin, tanga at kawawa.
Ito na yung totoong Dominic na kilala ko.
Bossy, well-off and sadist.
Well, ayokong bumalik yung ugali na to pero siya mismo yung gumawa ng dahilan para ibalik ko.
Sa ibang condo na rin ako tumira para hindi ko na maalala yung happy memories namin ni Dylan sa ilang sulok ng dati kong unit.
About me and Calvin, we're friends with benefits. He's always here by my side if I need him and me also. Naging mas malapit kami sa isa't-isa kaya naging panatag yung loob ko sa kanya.
Calvin is very nice. Kaya niyang intindihin yung mood ko, lahat kaya niya. Minsan nga naisip ko kung paano na lang kung na-fall na ako sa kanya? Edi masaya.
"Good afternoon, ma'm." Bati ng saleslady dito sa loob.
Ngumiti lang ako saka tumingin ng mga products. Kinuha ko yung toner at cream na palagi kong nilalagay tuwing gabi saka binigay sa cashier.
"Ma'm, hindi niyo na po kailangan magbaya---"
"No. Ayokong malugi yung business." Binigay ko yung isang libo at sinabing "Keep the change."
DYLAN ROMEO OCAMPO'S POV
"Bakit ginabi ka na naman?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo sa couch, nanunuod ng TV.
She kissed me before she speak. "Sorry, babe. OT kasi kami ni bes. Inutusan din kami ng boss kong asikasuhin lahat bago mag deadline."
I sighed. "Overtime everyday?"
Four months na kaming andito ni Faye sa Sweden, England at four months na din kaming naglolokohan. Oo, naglolokohan.
I can't stop thinking about JD. Sa araw-araw kong pamumuhay, siya kaagad yung nasa isip ko tuwing pag gising.
Ayos lang ba siya?
Sino yung nagpapagaling sa kanya?
Naka move on na kaya siya?
May mahal na ba siyang iba?
Nababaliw na ako. Hindi ko na kayang tiisin lahat ng sakit. Si Faye naman, halatang nagpapalusot palagi sakin. Hindi ko na lang siya sineseryoso at nagsisikap na lang ako magtrabaho para sa kapatid ko.
Ilang buwan na ang nakalipas matapos mawala si Lolo. Namimiss ko na siya. Yung mga project na ginagawa namin tuwing summer at yung kulitan namin.
Buti na lang maasahan si Zach kaya pinapunta ko muna si Chandria sa side nila at doon siya pinagaral kaya kailangan kong magtrabaho at umalis ng bansa.
Back to JD, sana magkita ulit kami para makapag-explain ako sa kanya. Kumapit lang ako kay Faye para guminhawa yung buhay namin.. at umalis ako sa piling ni JD dahil nagseselos ako.
Nung mga oras na umamin siya sakin sa airport, gusto ko nang sumama sa kanya pero inisip ko muna si Faye na nag-malasakit saakin pero nagsisisi na ako ngayon sa naging desisyon ko dati.
Gusto ko na siyang makita ulit.
BINABASA MO ANG
WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]
RomanceAll about the daughter of Derrick and Denise Sy that was diagnosed with a Sudden Sexual Arousal Syndrome and it forced her to search for a sex slave. SEX SLAVE [BOOK I] WANTED: SEX SLAVE [BOOK II] SEX SLAVE AGAIN [BOOK III]