XXXVII: BOYFRIEND?

6.2K 130 12
                                    

SABRINA HICARO'S POV

"Sir, may hiring pa po ba para sa summer job?" Tanong ko sa counter at nagulat nung makita ko na naman yung lalaking bumangga sakin.

"Oh, for a beautiful young lady, of course we still have. What can I do for you, ma'm? Gumana pa ba yung phone mo?" He asked while smirking.

Umirap ako sa kanya, aalis na sana ako nang hawakan niya yung braso ko pabalik. "Hindi na ba gumana? Bibilan kita, promise."

"Kahit wag na!" Pagtataray ko saka lumabas ng building pero sinusundan niya pa rin ako.

"Miss naman, kaya ko namang palitan yan e! Gusto mo iPhone 6s pa? O kaya naman Samsung S6 edge? Ano bang gusto mo?" Tanong niya saka ko pinandilatan ng mata.

"Gusto ko, lubayan mo ko! Bwisit na araw." Bulyaw ko saka umalis.

"Sabrina Hicaro, I love you." Napatigil naman ako sa paglalakad nung sinabi niya yun.

DOMINIC'S POV

Kengkoy, sabay naman tayo mag-lunch oh? Miss na kita makitang sumusubo eh. Hahaha joke lang. I love you. :*

From: 09********

I deleted his text, our conversation and also his contact number after I gave his cellphone to Dianne.

Bwisit!

Nandito ako ngayon sa room ni Papa pero hindi ko sinabi yung tungkol kay Dylan at Dianne. Gusto ko muna kasing patunayan.

Ilang minuto akong naghihintay ng text ni Dylan habang nakaupo ako sa couch at si Papa naman, busy sa table niya.

I hate it. Bakit ganun? Hinihintay ko pa rin siyang magreply? Tss!

Kahit na dinelete ko yung number niya, non-sense din dahil kabisado ko naman.

Tinype ko yung number niya saka nagiwan ng message.

Sino 'to? Kung sino ka man, wag ka nang mangungulit sa buhay ni Dominic. Boyfriend niya 'to, si Terrence.
Message sent.

I stood up and asked, "Pa, nasaan si Terrence?"

DYLAN OCAMPO'S POV

Napakunot-noo ako matapos mabasa yung text niya. Boyfriend? Si Terrence? What the heck happened?

Lumabas ako sa room at saktong kalalabas lang din ni JD sa room ni tito, nilapitan ko kaagad siya at hinawakan yung kamay niya pero piniglas niya ito.

"How dare you to touch me after you betrayed?" She rolled her eyes.

Napakunot naman yung noo ko. "Anong pinagsasabi mo?"

She laughed sarcastically while clapping. "Wow, Dylan. Wow."

Naglakad ulit siya palayo at hahawakan ko sana ulit yung kamay niya pero pinigilan ako ni... Terrence.

"Wag mong hahawakan yung girlfriend ko." Pabalang niyang sinabi saka sinamahan si JD palayo sakin.

Pumunta ulit ako sa room at pagka-pasok ko, sinigawan ko si Dianne. "Anong katarantaduhan yung sinabi mo kay JD?! Sagot!"

Nanginig siya sa table at napatungo. "W-wala po, sir."

"Tell me!" Madiin kong sigaw na may kasama pang suntok sa table.

"S-sinabi ko pong... flirt mate mo 'ko."

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon