X: BULOY AND MONAY

13.8K 199 0
                                    

JAY DOMINIC'S POV

"Uy! Gising na, nandito na tayo." Narinig ko yung nakakairitang boses ni Dylan habang natutulog ako dito sa likod ng pick-up car ng pinsan niyang si Zach.

Oo, natutulog ako dito sa likod. Naglatag kasi ako ng comforter at nagdala ng maraming unan, naisipan ko 'to dahil alam kong sobrang layo ng byahe papuntang Bataan.

Pagkamulat ko, nasilaw ako sa sobrang liwanag ng araw. Naririnig ko din yung mga ibon at pati na rin yung mga pumapagaspas na dahon sa sobrang pagka-probinsya ng lugar na 'to.

"How's your sleep?" Tanong niya habang tinutulungan akong bumangon.

Pagkabangon ko, inayos ko na agad yung sarili ko. "Kinakabahan ako."

Imbes na mag-alala, nginitian niya pa ako at hinalikan ng smack sa labi. "Wag kang kabahan."

Pagkababa ko sa kotse, dinala niya ako sa isang sementadong bahay. Ang laki ng bahay at ng bakuran nila. Wow.

I was amazed while walking then out of the blue, may batang sumalubong sa amin at sinabing, "Lolo! Andito na si kuya Buloy!"

Ano daw? Buloy?

"Chandria, manahimik ka nga!" Tinakpan niya yung kamay nung batang babae at binuhat ito.

"Miss na miss na kita, kuya." They look so sweet. Napangiti na lang ako sa nakikita ko.

"I miss you too." Sabay halik niya sa noo ng kapatid niya.

Maya-maya lang, lumabas ng bahay si Zach na kaakbay yung lolo yata nila.

"Lolo!" Binaba niya si Chandria at niyakap yung Lolo niya.

I don't know why my heart melts but this time, I feel loved.

"Lolo, si JD nga po pala..." Tinignan niya muna ako ng matagal bago sinabing, "Girl friend ko."

I smiled then, "Nice to meet you po."

"O' kay Gandang dilag! Siya na ba si Danica, buloy?" Tumingin siya kay Dylan at tumingin din sakin.

Sino si Danica?

"Ah, hindi po. Lolo, ano po bang lunch? Gutom na kami eh." Super obvious ng pagchange topic niya.

"Tamang-tama! Nagluto ako ng Kaldereta. Tara, pasok kayo." Nauna nang pumasok si Lolo at inakbayan ako ni Dylan pero tinanggal ko din.

"Ano na naman?" Tanong niya pero inirapan ko lang saka sumunod papasok sa loob.

Sino ba kasi si Danica?

Sinusundan ko lang si Lolo hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay. Napakagara, laki at ganda ng loob nito. Mas doble pa ng ganda sa bakuran.

Nakahanda na yung pagkain sa mahabang lamesa. In-offer-an ako ng upuan ni Dylan katabi niya pero inirapan ko lang siya at umupo ako sa tabi ni Chandria.

"Nasaan po si kuya Zach?" Tanong ni Chandria kanila Lolo.

"Ako na po tatawag." Saad ko.

WANTED: SEX SLAVE [BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon