Kabanata 1
In Love
Noong una ay mahirap paniwalaang wala na akong maka kasama sa buhay. Paminsan-minsan ay dumadalaw sa bahay si Auntie Zelle.
Kahit papaano ay unti-unti akong nakakabangon. Kung minsan ay natutulala na na lang ako dahil sa sobrang tahimik ng buong bahay. Iniwan ko na rin ang pagkanta. Mahirap ipagpatuloy ang isang pangarap kung wala na ang mga taong dahilan nito.
"Kaya pa ba?" nakapangalumbaba ako habang tinatanaw ang malayong tanawin ng buong campus.
"Kaya pa naman, Lyn. Unti-unti akong bumabangon."
"Alam mo, jamming na lang tayo sa Nightlife at District. Malay mo, doon mo mahanap ang bagay na ikagpag-papatawad sa sarili mo."
"Hindi ko alam, Lyn. Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkawala nila."
"Hindi mo naman kasalanan iyon, eh."
"It's my fault, Lyn." Nilingon ko siya.
"Hindi mo nga kasi kasalanan. You know that everything happens has a reasons."
"I know, but, you can't blame me for this."
Muli kong tinanaw ang buong campus mula rito sa rooftop.
Bumuntong hininga siya.
"Sumunod ka na lang sa room. Malapit na matapos ang break."
Hindi ako sumagot sa kanya at pinanatili ko ang pagtanaw sa kalakhan ng buong campus. Muli akong huminga ng malalim.
Tumingin ako sa kalangitan.
Madilim. Kulay abo ang kalangitan. Hudyat na malapit nang bumagsak ang ulan. Darkness again. Darkness fills my life. Darkness found me and so I did.
Hindi ko namalayan ang pagbagsak ng aking mga luha.
Kung sana hindi ko na lang sila pinapunta upang mapanood nila ang pagkanta ko. Sana pala.
"Mag isa ka na naman."
Naramdaman ko ang pag upo niya sa kabilang dulo nitong mahabang bench.
Nilingon ko ang taong ito. Ganoon na lamang ang gulat ko. Dahil ang lalaking nakausap ko noong isang buwan sa play ground ay narito.
"Sorry, naistorbo ba kita?" tanong niya.
"Ah, hindi naman."
Binaling ko na lamang ang aking paningin sa pagtanaw ng mga estudyanteng naglalakad sa buong campus.
Naisip kong bumalik na sa room dahil alam kong magsisimula na ang klase. Tumayo ako dala ang aking bag.
"Aalis ka na agad?" Napalingon ako sa kanya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"So? Hindi naman tayo close."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Habang pababa ako ng hagdan ay paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Lyn. Kaslanan ko ba talaga kung bakit nawala ang parents ko? Is it my fault?
Gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi ni Lyn, but my mind keep telling me that it is my fault.
Natapos ang buong araw ko sa kakatunganga sa buong oras ng klase. Hindi pumapasok sa utak ko ang mga lessons.
"Oh, heto. Aralin na natin ito. Bukas kasi sa English may graded recitation."
"Hindi nga?"
Binalingan ko si Lyn. Binaba ko ang aking ballpen at kinunot ang aking noo.
BINABASA MO ANG
Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)
RomanceCOMPLETED || (EDITING) January 23, 2016 - March 14, 2017 REVISED: December 02, 2018 All Rights Reserved 2016 ©bluecrazyaddicted