Kabanata 47

213 7 0
                                    


Kabanata 47


Shine

Kahit ilang beses kong sabihin na tama na ang ganito, hindi pa din maalis sa isip ko ang sinabi nyang yun. Pabalik balik ako sa may sala, hindi ko nga rin alam kung bakit ako nagkakaganito. Siguro na-g-guilty ako dahil sa ginawa ko sa kanya. Kung ano ano kasi ang sinabi ko. Nahila na naman ako ng emosyon ko.

"Ikaw kasi! Minsan yung bibig mo walang preno!" ayan, nasermonan uli ako ni Lyn.

"Oo na kasi. kasalanan ko na."

Umupo na lang ako sa tabi ko at saka ko kinuha ang phone ko.

"Tapos ngayon, ite-text mo? Hay. ewan ko sayo. Minsan ang gulo mo."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya.

Hey, sorry. pwede ba tayo mag usap?

Arggh! erase na nga lang! 

Dinelete ko yun.

Usap tayo. Pwede ba?

I was about to delete it ng mapindot ko ang send.

"Shit!"

"Nanyari sayo?"

"Na-send ko." then i pouted.

Tapos bigla syang tumawa ng malaksa, hindi tawa kundi hagikgik talaga.

"Tumatawa ka pa."

Tumigil sya sa pagtawa at tinignan ako ng seryoso.

"Ang epic kasi ng mukha mo."

"Anong sasabihin ko sa kanya?

Biglang nagvibrate yung phone ko at nag reply sya.

Sure. Sa cafe na lng malapit sa inyo.

"Kita mo na. Pumayag sya." Huminga na lang ako ng malalim at tumungo sa kitchen para kumuha ng maiinom. Feeling ko ma-d-dehydrate ako dahil dito e.

Mga 1PM na lang. 

Reply nya matapos kong makinom ng tubig. Ano bang sasabihin ko?


~*~


Late na akong twenty minutes ng makarating ako sa cefe na sinasabi nya. Nakita ko na syang nakaupo malapit sa may glass wall ng cafe. Nakatingin sya sa malayo. Kinakabahan talaga ko.

Medyo binagalan ko ang paglalakad ko para makaipon ako ng lakas ng loob.

Pagbukas ko ng pinto napatingin sa sakin dahil nakaharap sya sa pinto.

Nginitian nya ako pero hindi ko nagawang ngumiti.

"Anong gusto mong order-in?" tanong nya.

"Hindi na." Umupo na kami parehas.

A few minutes of silence.

Nakakabinging katahimikan.

"O-order na lang ako." sabi nya. Pumunta na sya sa counter at nag order pagbalik nya saka ako ngasalita.

"Ahm. Gusto kitang makausap kasi.."

Nakatingin lang sya sakin at naghihintay ng sagot.

"Gusto kong..."

Ano ba yan..

"Gusto mong?

"I'm sorry."

Nakita kong medyo nagulat sya sa sinabi ko kaya napayuko ako.

"Bakit? Para saan?"

Tinignan ko sya.

"Sa lahat. Sa lahat ng sinabi ko. Gusto ko lang naman ng time para pag isipan ito. Ayoko kasi na, tanggapin ka uli then ma-r-realize kong mali pala yun. So. Just give me some time. Para pag isipan to."

Huminga sya ng malalim. then, ngumiti sya.

"Yan lang naman hinihintay kong sabihin mo."

Parang nagulat ako sa sinabi nya pero deep in side, natutuwa rin ako na kaya pa rin nya.

"Seryoso?"

"Nag nod lang sya at ngumiti.

"Remember what I said? Kaya kong maghintay sayo." Then ngumiti sya.

Siguro this time, kaya ko ng totohanin lahat ng sinabi ko. Hihintayin ko na lang ang araw na kaya ko na uli.



Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon