Kabanata 22

408 10 1
                                    


Kabanata 22

Nagmadali na lang akong maglakad ng puntahan ako ni Jake. Halos puro sya patawa habang naglalakad kami pero hindi ko sya pinansin dahil patuloy ko parin na iniisip yung nangyari kanina. Paano kaya yon? Paano pag nalaman yon ni Tristan? 


Bakit ko ba iniisip yong kanina? Pero kasi kung hindi ko iisipin, magmumukhang tanga si Tristan dahil ang alam nya mahal talaga sya ni Erika.


"Kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka nakikinig." sabi naman ni Jake. Humarang sya sa harapan ko dahilan upang mapahinto ako.


"Tabi ka nga.." sabi ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Anong problema? Bakit ganyan yang itsura mo?" tanong nya. Huminto ako sa paglalakad dahil sa tanong nya.

"Yung kanina kasi.. Nakita kong.." Napahinto ako saglit.


"Alin?"


"May kasama syang iba kanina.."


"Si Tristan?" Sumimangot naman ako. Binatukan ko sya.


"Baliw!. Hindi sya.." sabi ko. Naglakad na lamang ako at naupo sa bench.


"Si Erika.."


"Bakit? Anong meron?" tanong nya. Naupo sya sa tabi ko. Sumandal ako at nagsimula.


"Nakita ko syang may kasama kanina na lalaki."


"Anong balak mo?" tanong nya.


Huminga ako ng malalim. "Actually, Hindi ko alam.. Gusto kong sabihin kay Tristan pero iniisip ko na baka hindi nya ako paniwalaan.." tugon ko.


"Paniniwalaan ka nya. Sigurado ako do'n.."


Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Hindi mo kilala si Tristan, Sigurado akong mas paniniwalaan nya si Erika.."


"Paano ka naman makakasiguro?" Pansin ko na bawat sasabihin ko binibigyan nya ng dahilan.


"Ano ba?.. Tutulong ka ba o hindi?" tanong ko.


"Hindi naman sa ganun.. Ang sa;kin lang baka naman paniwalaan ka nya.. Pero kung iniisip mo na hindi ka nya paniniwalaan.. Wag mo na lang sabihin.." suggest nya.


"Tsk. Ayoko. Gusto kong-"


"Pero paano kung hindi?" tanong nya.


"May tendency naman na maniwala sya sa'kin.."


"Bahala ka nga.. Kung gusto mong sabihin, go on.. Pero kung hindi ka paniniwalaan.. Wag kang iiyak sa'kin dahil hindi sya naniwala sa'yo.."


Tumahimik na lang ako dahil hindi na rin sya nakipag-debate sa gusto kong mangyari. Kainis naman kasi e. Pero totoo nga yon, pwedeng paniwalaan nya ako. Pwede ding hindi. Hay. Ang gulo talaga. Ano ba sa tingin nyo?


Tumayo na lamang ako sa pagkakaupo.


"Saan ka pupunta?" tanong niya.


"Kahit saan.. Sasabihin ko na lang."


Tumalikod ako at naglakad.


"Hoy! Shine!" hinahabol nya ako pero sige lang ako sa paglalakad.


Humarap ako sa kanya kaya huminto sya sa paghabol.


"Joke!" sabi ko. Tumawa ako ng malakas. "Hahahaha!!" tawa ko.


Inakbayan nya ako kaya naman naglakad na kami pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa.


"Akala ko gagawin mo e." sabi nya. Tumigil ako sa pagiisip.


"Naisip ko kasi na kung sasabihin ko man, sigurado akong hindi rin nya ako paniniwalaan.." sabi ko.


Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako.


Ginulo nya ang buhok ko na parang isang bata.


"Ano ba!" reklamo ko. Inayos ko ang buhok ko at tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko.


Naglakad na lamang kaming dalawa. Tama nga ganito ang gawi ko, umiwas ako sa sakit para tuluyan na akong makapag-move on.





Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon