Kabanata 33

379 11 6
                                    



Kabanata 33



Erika




Talagang hindi na ako kinausap pa ni Tristan after nyang malaman yong tungkol sa'min ni Andrei. Hindi na rin ako nag atubiling magsabi pa sa kanya ng mga bagay na yo. Basta ang sinabi ko lang sa kanya, hindi ko kaya. Pero sadyang mailap si Tristan sa bagay na yon.




Hindi na rin naman ako nakipag usap pa sa kanya ng mga ganong bagay. Nakakainis dahil kung hindi ko sana pinagsabay sila, baka hanggang ngayon kami pa. Ang bobo ko kasi dahil naniwala ako sa sarili ko na mahal ko pa si Andrei. Pero ganon talaga, akala mo mahal mo pa.




"Kinausap mo na ba si Tristan?" tanong sa'kin ni Andrei. Nanatili lang akong nakaupo at hindi ko sinagot ang ilang mga tanong nya. Ni hindi ko nga magawang lumingon sa kanya. Pakiramdam ko kasi nandadaya ako...




"Hindi ka pa sumasagot sa mga tanong ko." Nilingon ko na sya at mapait akong ngumiti sa kanya.


"Pasensya na." mahinang sagot ko.


"May problema ba?" tanong nya. Hindi ako makasagot at tanging pagyuko lang ang naisagot ko.


"Hindi na kita kukulitin, sige. Kung gusto mo na ng kausap. Tawagan mo na lang ako." tapos tumayo sya at nagtuloy tuloy lang sa pag alis.


"Andrei!" but still hindi nya ako nilingon pa. Napa-buntong hininga na lamang ako. Pakshet talaga. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naguguluhan na talaga ako.



Lyn



Na-bwiset ako sa balita sa'kin ni Shine. Hindi na daw sya babalik. Mukhang wala na daw syang balak bumalik pa dito. Nakakainis dahil umasa pa naman ako na uuwi agad sya. Pero shet dahil hindi daw nya alam.




Nakasimangot akong bumalik sa library at dinaluhan ko si Elrick na isa rin sa ka-close ko. Pabagsak akong umupo at hindi ko nagawang lingunin ang katabi ko.




"Mukhang problemado ah." sabi nito. "May dalaw ka ba?" Pinanlakihan ko sya ng mata dahil sa naitanong nya.



"Gago wala." sabi ko.



"Then ano yong problema mo?"



Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon