Kabanata 46

258 9 2
                                    


Kabanata 46


Shine's POV

Ilang sandali pa ako nandito kung saan hindi pa rin ako tapos sa ginagawa ko kaya lang hindi ko lubos maisip na, kahit pinagtabuyan ko sya ay nagawa pa rin nyang umalis at iwan ako dito.

Nakaluhod na ako habang pilit kong tinatanggal ang gulong ng kotse ko.

"Sabi ko kasi sa'yo, ako na." Napalingon ako ng marinig kong nagsalita sya.

"A..akala ko ba...Nakaalis ka na?" tanong ko sa kanya. Kaya lang hindi nya ako pinansin at tumabi sa'kin. Umurong ako at kinuha nya mula sakin ang gagamitin nya. Kaya lang, kukunin na lang nya, pati kamay ko nahawakan nya. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba yan? Makisama ka naman.

Ang arte mo pa kasi.

Arggh! Pati ba konsensya ko?

"Ayan. Napalitan ko na." Hindi ko napansin na tapos na pala nyang palitan ang gulong ng kotse ko.

Pinanuod ko lang sya habang pinapagpag ang kamay nya na nadumihan gawa ng pagpalit nya ng gulong.

At parang nag-slow motion kasi, ang tagal ng titig ko sa kanya at pakiramdam ko, Aish! Bwisit!

Why am I acting like this? Could it be?.. No.. Imposible.

"Hey. Are you okay?" tanong nya. Saka ko na-realize na naka-face palm ako habang nakaharap sa kanya. Mabilis kong tinangal ang kamay ko sa mukha ko.

"Huh?"

"W..wala.. I'm fine." Saka ako huminga ng malalim.

"Tapos ko na palang palitan 'tong gulong mo." Mabilis akong tumayo at ganun din sya. Tinignan nya ako, at nakita kong bahagya syang tumawa.

Tinaasan ko lang sya ng kilay at inirapan.

"At bakit ka tumatawa dyan?"

Tinignan nya ako at tumigil naman sya sa pagtawa. Kainis 'tong lalaking to. Ngayon pa tumawa kung kailan naman magpapasalamat ako sa kanya. Ngayon binabawi ko na. Kahit pa mag-Bestfriend kami- Before.. Pero that was before.. Noon yun.

"Hindi ako tumatawa." Inirapan ko sya at naglakad na papunta sa kotse ko para makaalis na.

"Aalis ka na agad?" Hinarap ko sya at inirapan.

"Ay hindi.. Babalik ako ulit dito.." Sarkastikong sagot ko.

"Hatid na kaya kita."

"Mukha ba akong hindi marunong umuwi mag isa?"

Narinig ko pang huminga sya ng malalim.

"Fine. If that's what you want." Inirapan ko ulit sya at binuksan ko na ang pinto ng kotse ko pero bago pa ako makapasok nagsalita syang muli.

"Hilig mo talagang tarayan ako." saglit ko syang tinignan, at para bang ang lungkot nya. Pero hindi ko na pinansin yun at pumasok na ako sa kotse ko.

Nakatayo pa rin sya sa gilid ng kotse ng makaalis na ako. Ewan ko ba sa kanya. Hindi ko naman hininging tulungan ako pero- Hindi pala ako nakapag thank you sa kanya.. Ah basta! Bahala sya dun!

~*~

"Akala ko napahamak ka na.." Bigla akong niyakap ni Lyn. Kailan pa naging clingy ang bruhang to?

"I'm okay." tipid na sagot ko.

"Okay? Look at you nga!" Napatingin ako sa sarili ko. Ang dungis ko nga. Kaya ba tumatawa si Tristan kanina? Dahil sa itsura ko?

"Kaya pala"

"Anong kaya pala?" Nabaling ang atensyon ko kay Lyn na ngayon ay nagtataka sa biglaan kong pagsasalita.

"Wala." sabi ko. "Akyat na lang ako." Hindi ko na hinintay na sumagot sya at umakyat na ako. Pagkatapos kong mag ayos narinig kong tinawag ako niLyn kaya dali dali akong bumaba.

"Aalis na ako. Ikaw na bahala dito. Sa saturday na lang ako pupunta. At nga pala.. May bisita ka. Actually, parating na sya. Sige na alis na ako andyan na rin sundo ko." Hindi man lang ako nakapagsalita dahil agad na lumabas ng bahay si Lyn. As usual, ako na ulit maiiwan dito.

Umakyat na ulit ako at mga ilang sandali pa may nag door bell. Kay mabilis akong bumaba. Baka si Lyn yun, may nakalimutan lang. Pagbukas ko ng gate akma sana akong magsasalita pero hindi si Lyn ang naroon.

"Ikaw.." Nakapamulsa at pa-cool pa sya. Kumunot ang noo ko sa inasta nya. Kung hindi lang talaga nya ako tinulungan kanina baka-

"Hindi mo man lang ba ako papasukin?"

"Hin-"

Hindi na ako nakapagsalita pa kasi sya na mismo, at nagtuloy tuloy na sya. Aba! Bakit sa tingin nya pinatuloy ko na sya?!

"Hoy! Hindi pa kita pinapatuloy! At sino may sabi sa'yong pumasok ka agad?! Bakit?! Pumayag na ba ako?! hindi naman diba?! Kaya lumayas ka! Hindi ko kailangan ng kasama kaya ko ang sarili ko! Layas!" hindi pa ako tapos magsalita nagsalita agad sya.

"Ang nagger mo pala." kalamadong sabi nya.

What the hell he's doing?

Paano ba naman, umupo sya sa sofa at naka spread pa ang braso nya at feel na feel nya ang pag upo. Lumapit ako sa kanya at ready na akong sumbatan sya pero mas magugulat pala ako sa ginawa nya.

"Hoy! Diba-"

Nagulat ako sa ginawa nya kasi instant na tumahimik ako.

"Bakit mo.. ako.. niyakap?"

"Para maramdaman mong hindi naman talaga kita iiwan." Napakurap ako ng mata at ako na mismo ang tumulak sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ko rin nagawang sampalin sya.

"Para maramdaman kong hindi mo ako iiwan?.. Wow.. Ang galing naman ng sinabi mo. Tristan. Sinabi mo na rin yan sa'kin noon, no matter what happens hindi mo ako iiwan. Pero iniwan mo pa rin ako. Pinaramdam mo sa'kin na hindi na ako mahalaga sayo."

Ewan dahil bigla na lang tumulo ang luha ko. At hanggang ngayon dama ko pa rin ang sakit.

"Sabi mo, lagi kang nasa tabi ko. Pero alam mo ba, umasa ako nun e. Umasa ako na babalik ka, na sasabihin mong, hindi ka na ulit lalayo, At hanggang ngayon, dala dala ko pa rin yung sakit na yun. And you know what, I realized that time I shouldn't expect from you too much sa lahat ng sinabi mo sa'kin." Nakatingin lang sya sakin at nakikita kong pati sya nasasaktan sa mga sinabi ko.

"Shi, It's not that-"

Itinaas ko ang kamay ko para patigilin sya.

"Let me finish first," sabi ko. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. "And don't call me 'Shi' again. Dahil sa pagkakatanda ko.. simula ng magdecide kang iwan ako.. Naputol na rin ang lahat satin."

"I'm sorry." yumuko ito at hinawakan nya ang kamay ko but I refuse it. Hinila ko agad iyon.

"Alam kong sinabi kong okay na, pero hindi pa pala. Andito pa rin yung sakit na yun. Just.. Just give me some time to think about this. About us.. Just please.. Just leave.."

Hindi ko na hinintay na umalis sya at agad na akong umakyat sa taas. Pagkasara ko ng pinto ng room ko, doon na ako tuluyang napahagulgol. Bakit? Bakit nga ba ako ganito?


Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon