Kabanata 44

265 6 4
                                    


Kabanata 44



Jaicelle


Bigla na lang umalis si Jake kaya sinundan ko sya. Ano bang problema nun? Lumapit na rin ako kay Lyn upang i-congratulate sya at nagpaalam na rin. Wala naman syang ibang sinabi kaya umalis din ako agad upang sundan si Jake.

"Hoy. Hintayin mo naman ako.." Hindi nya ako nilingon pa. Ano bang problema ng isang to? "Hoy Jake!" Grabe sya ah. Kung batukan ko kaya to. Binilisan ko ang paghabol ko sa kanya hanggang sa maabutan ko na sya kaya humarang ako sa dadaanan nya. Huminto naman sya at tinignan ako ng seryoso. "Ano bang problema mo?.."

"Pwede ba.. Wag mo akong kausapin.." Then naglakad na ulit sya. Ang sungit ah. Huminga ako ng malalim at sinundan ko na lang sya ulit. "Ba't mo ba kasi ako sinusundan?" tanong nya. Pero hindi man lang sya nakatingin sakin. Ang saklap naman nun.

Napahinto ako sa paghabol sa kanya at naisip ko bigla.. Oo nga.. Bakit nga ba? Bakit ko nga ba sya sinusundan? Bakit ko nga ba sya kasi hinahabol? Gayong ayaw naman nyang magpahabol? At obvious naman na ayaw nya ng makakausap..

Tinignan ko sya at mula rito ang layo na nya mula sakin. Ang layo nanaman ulit nya.. Nahampas ko agad ang noo ko dahil sa mga sinasabi ko... Bobo Jaicelle.. Wag mong sabihing inlove ka nanaman sa kanya? Aasa ka nanaman.. Tapos ano? Nganga ka din bandang huli.. Naupo na lamang ako sa isang bench dito malapit sa kinatatayuan ko.

Kaya nga ako umalis para ibaon na sa limot 'tong pagmamahal na 'to pero hindi pa pala..

Sinandal ko ang likod ko sa sandalan. Tanga mo naman Jaicelle. Nakipagmabutihan ka kasi ulit e. Sana pala hindi na lang ako umuwi muna. Sana pala nag-stay muna ako do'n para nasiguro kong wala na lahat. Sana pala no'ng umuwi ako hindi ako pumayag na sya ang sumundo sa'kin para hindi na ulit kami magkita pa. Ang daming 'What If' na pumapasok sa utak ko. Ang dami pa sanang paraan para hindi ko na ulit maramdaman 'to. Pero hinayaan ko. Hinayaan ko lang na mangyari lahat ng 'to.

Tumayo na lang ako.. Siguro panahon na. Panahon na para totohanin ko lahat ng mga 'What If's' ko.


Shine


Hindi ko rin maiwasan ang hindi mag isip kung totoong okay na ako or I'm just denying the fact, na hanggang ngayon hindi ko pa kayang makalimot. After ng wedding ni Lyn, sa reception naman. Wala na sana akong balak pang pumunta dahil sa nakikita ko. May kasamang ibang babae si Tristan. Ewan pero parang. Shit! I'm jealous. Aish! ano bang karapatan kong magselos? Bakit kami ba?

Naupo na lamang ako sa isang tabi habang pinapanuod ko sina Lyn at Elrick na masayang nagtatawanan. Napangiti na lamang ako dahil akala ko hindi na mahahanap ng bestfriend ko ang tamang lalaki for her.

"Ang saya nila nuh?" Naramdaman ko na lang na may katabi na pala ako dito. Lahat kasi sila kanina ay sumasayaw with their partners. Hindi ako umimik pero gustong gusto kong tanungin sa kanya kung sino ba talaga yong babaeng yon kanina. Pero as I've said sino ba ako para magtanong.

"Yeah.. They look good together.." saad ko. Pero nanatili lang akong nakatingin kina Lyn na ngayon ay magkayakap habang sumasayaw sila sa gitna.

"Can we d-"

"No thanks.." Tss. "Do'n ka na lang sa babae mo.." Aish! Sana hindi nya narinig yon! Bobo ko talaga!

"You sure ayaw mo?" tanong nya. Hinarap ko na sya with no reaction at all.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon