Kabanata 55
Alam kong kaya ko na ang magmahal ulit. Ang tumaya uli sa pag ibig. Umalis ako dahil ang buong akala ko, naguguluhan ako. Pero mali ako. I'm not whole. I don't want to love him because he love me. I want to love him because I love him.
Ayokong tumaya na hindi ako kumpleto. If I'm not complete as me. Hindi na kasi ako ito. Hindi na ako iyong Shine na kilala nilang lahat.
Ngayon na maayos na ako, na kaya ko na ulit syang tanggapin.
"Lyn. Ano ba ito?" Iritadong sabi ko kay Lyn. Hindi ko kasi alam kung ano ang plano niya. Ang sabi lang naman niya at mga close friends namin sa work, manunuod lang kami ng concert sa mall of asia concert grounds. Libre daw ni Lyn. Pero parang hindi naman.
"Ito na!" Nae-excite na sibi nilang lahat.
Naguguluhan ako sa kinikilos nila. Pero yung kaba ko kakaiba. Naririnig ko na ang tilian ng mga manunuod. Nasa may gitna kami ng crowd. Hindi rin maalis sa isip ko kung bakit ganito ang pakiramdam ko.
"Inhale. Exhale." tanging naibulong ko sa sarili. Hinila na ako ni Lyn papunta sa crowd. Nagsimula na rin ang concert.
Hiyawan. Tulak dito. Tulak doon. Hindi matapos na tilian.
'Yan ang eksena ngayong gabi. Pero bigla na lang nangibabaw ang katahimikan ng magsalita ang band vocalist na si Brent.
"Tonight is so special. Because there's a special guest who wants to apply on his love." Napatingin kaming lahat sa dilid ng stage ng may isang lalaking naka-cap at black t-shirt ang umakyat sa stage.
Automatic na napatutop ako sa bibig, nang makilala ko kung sino ang lalaking umakyat sa stage.
Inabot sa kanya ni Brent ang isa pang mic at hinayaan sya'ng magsalita.
"Naririnig mo ba ako?" Hinanap nya ako sa crowd at ng makita nya ako ngumiti sya at bumaba.
"Ako na 'yata ang pinakamaswerte na lalaki sa lahat. Kasi, imagined that? 'Yong tao na dati, ang akala ko, hindi ko rin mamahalin." Naging crack na rin ang boses nya. At paunti unti syang nakakarating sa pwesto ko.
"Shine." Rinig na rinig ko ang tilian ng mga tao. Pero ng sabihin nya ang pangalan ko, para akong nabingi. At para bang pintig lang ng puso ko ang naririnig ko. At ang kabang kanina ko pa nararamdaman.
"Simula ng makilala kita, nagbago bigla ang buhay ko. Naalala mo ba nang una tayong nagkita. Umiiyak ka nung panahon na 'yon."
Ngayon nandito na sya sa harap ko. Ang traydor ng luha ko, kasi kahit pilitin kong wag itong pakawalan. Pumapatak pa rin.
"Nagbiro pa nga ako pero mas lalo ka lang umiyak. That time nasabi ko sa sarili ko, hindi ko gagawin sa'yo ang paiyakin ka. I'll protect you from anything that harm on you, but I was wrong. I was so damn wrong... I was the reason why you cry hard. I am."
Lumapit na sya sa akin at pinunasan ang mga luha ko. Hinawakan din nya ang kamay ko kahit ayaw paawat ng luha ko.
"I'm so sorry for everything that I've done, Shi. I know sorry is not enough but you choose to forgive me... Kaya nang umalis ka... Sobra akong.."
Umiiyak na rin sya. Ano bang meron? Bakit ba?
"Sobra akong nanghinayang.. Inisip ko baka hindi ka na babalik. Baka hindi mo na ako tanggapin ulit.. Ang daming what If's ang naisip ko.. At nasabi ko pa, Ang tanga ko.."
"Kaya Shi," Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. "Ikaw na 'yata ang babaeng nakilala ko na takot tumawid mag isa. Hindi makapagdesisyon ng mag isa. Masungit kapag gutom. Laging may topak. Bugnutin. Hindi nakikinig sa payo ng iba. May pagka sadista at pasaway na nakilala ko."
Umurong bigla ang mga luha ko dahil sa mga sinabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumiti lang ito at nagpatuloy.
"Pero ikaw naman ang babaeng sweet, thoughtful, friendly, laging inuuna ang ibang tao, mabait. Maayos sa sarili. Sobra sa kalinisan, magalang, mapagmahal, approachable at lahat na yata nasa iyo na." Ngumiti ulit sya at biglang lumapit si Lyn para kunin ang mic. "Kaya naman.. I think this is the right time. The four years of being together. Ikaw na ang nakikita kong babae na ihaharap ko sa altar. I love you so much that I can't let you go.."
Naghiyawan ang mga tao ng biglang lumuhod si Tristan. Ako naman tuloy tuloy lang sa pag agos ang luha ko.
"Shine Patricia Moreno Ramirez. The woman of my dreams." May kinuha sya mula sa bulsa at ng buksan nya. Tumambad sa akin ang isang napakagandang diamond ring.
Napatakip ako ng bibig at pilit na pinipigilang umiyak pero wala.
"Can I change your name intoShine Patricia Ramirez Perez?" Ngumiti sya at puno ng pag asa ng sasagot ako ng 'yes'.
"Will you.. marry me?"
[Now Playing: Marry Me by Jason Mraz]
Napatingin ako sa paligid namin. Andoon lahat ng taong naging bahagi ng buhay namin. Napatingin ako kay Lyn.
Ang babaeng hindi nagsawang sabihan ako ng mga candid words. Pero laging andyan para sakin.
Wala nga lang si Jake at Erika. Pero alam kong alam na nila ito.
Napatingin ako kay Tristan. Hope.
Nakikita ko sa mga mata nya ang pag asa.
I blink. And blink and blink.
Totoo na ba ito?
Hindi na ba biro?
Unti unting gumuhit sa mga labi ko ang ngiting nagpapahiwatig na sobrang saya ko.And I said.
"Yes." Bigla akong niyakap ni Tristan ng mahigpit. "Yong ring!" Nae-excite na sambit ko sa kanya.
"Sorry. Masaya lang ako." Humiwalay sya sakin at isinuot sa palasingsingan ko ang diamond ring.
"Thank you." Sabi ko habang umiiyak.
Marahan nya akong hinalikan sa labi.
"Sealed" Tumawa na lang kaming mahina. Humarap kami sa maraming tao habang nakakawit ang kaliwang kamay nya sa bewang ko. Pinakita ko sa kanila ang kamay ko na may ring at nagpalakpakan silang lahat.
Tumingin ako kay Lyn at ngumiti ito sakin.
Muli kong sinulyapan ang lalaking katabi ko ngayon. I'm soon to be his wife. And this story of us will always be remembered.
Tumingin sya sakin at nginitian ako ng malawak.
Alam ko papunta pa lang kami sa totoong pangyayari sa buhay namin but as long as na kaya namin.
I am Shine. His soon to be.
BINABASA MO ANG
Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)
Любовные романыCOMPLETED || (EDITING) January 23, 2016 - March 14, 2017 REVISED: December 02, 2018 All Rights Reserved 2016 ©bluecrazyaddicted