Kabanata 21

409 9 2
                                    


Kabanata 21


Ilang araw na ang nakalipas pero ganun parin ang nangyayari. Hindi ko alam kung ano ba ang problema. Siguro talagang busy lang sya. Hindi ko nama masiguro kung ano ba talaga ang nangyayari kung bakit ako iniiwasan ni Jake. Siguro lang-


"Shine pwede ba tayong mag usap?" Napatingin ako kay Jake na kadarating lang. Umupo agad sya sa tabi ko.


"Akala ko ba hindi mo-"


"I'm sorry.." sabi niya.


"Saan naman?" Kahit alam ko na kung tungkol saan yong sinasabi nya, hindi ko parin pinaalam.


"Yung tungkol naman kay Jaicelle. Sorry kung-"


"You don't have to. Sanay na ako sa mga ganung ugali. Sa dami na ng taong nakakasama ko na ganun ang ugali.. Hindi pa ba ako masasanay?" paliwanag ko. Tumingin na lamang ako sa buong paligid. Andito kasi kami ngayon sa bleachers nakaupo.


Sakto naman na pagtingin ko sa left side ko, nakita ko sya. Naglalakad kasama ang babae na yon. Ayokong maapektuhan sa ayos nila. Nakapatong yung kanang kamay niya sa balikat ni Erika. Umiwas na lamang ako ng tingin.


"Naapektuhan ka pa rin ba?" tanong ni Jake.


Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Bakit ako maaapektuhan? Matagal na yon.."


"Sigurado ka?.. Mahirap magsalita ng hindi mo pa nasasabi tong totoo.." sabi nya.


Sumandal na laman ako.


"Siguro konti, pero pipilitin ko naman na makapag-"


"Wag mo na lang sabihin.. Gawin mo na lang.." sabi nya.


"Pansin ko may gusto sa'yo si Jaicelle.." pag iiba ko.


"Yeah. I know." maikling sagot nya.


Tumawa ako ng bahagya. "Kailan pa?" tanong ko. Parang nagiging mausisa na ako. Pfft.


"'Hmm.. Last year?.." hindi siguradong sagot nya.


"Wag mo na ngang sagutin.. Wala 'ata akong makukuhang matinong sagot mula sayo.."


"Don't think na makakalimutin na ako.. Ayoko lang yon-"


"I know.. " sabi ko. Then nag-cross ako ng arms ko. "May mga bagay talaga na dapat hindi na inaalala.. Kasi hindi naman yon worth it alalahanin pa." I said.


"Natutunan?" tanong nya. Tumingin ako sa kanya.


"Maybe yes?" sabi ko.


"Hahaha" Nagulat ako dahil tumawa sya. Hinampas ko sya sa braso nya.


"Wag mo akong tawanan. Seryoso ako do'n. " sagot ko. Hindi ko napigilan at natawa na rin ako.


Tumayo na lamang ako at hinila ko sya. "Tara alis na lang tayo.." aya ko.


"Huh?" Binitawan ko sya. Nag cross arm na lamang ako.


"Sige na.. Wag ka na sumama.." sabi ko. Tumalikod na ako at nagsimula na akong maglakad.


"Shine!" Sige lang Jake, habulin mo ako. Tignan natin kung mahahabol mo ako. Ayoko sa lahat-


"Babe.." Nakita ko iba na yung kasama ni Erika. Nakaupo sya sa bench sa may tabi ng garden.


Kaya nagtago ako sa tabi ng halaman.


"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Erika sa lalaki. Hinawakan ng lalaki yung kamay ni Erika pero binawi nya ito.


Oh my.. Niloloko lang nya si Tristan?


"Pinupuntahan ka.." sabi nung lalaki.


"Kasama ko si Tristan.." sabi nya. Palinga linga sya upang makita kung parating na nga si Tristan.


"Lagi na lang-"


"Andrei.. Please. Umalis ka na.." Halos itulak na nya yung Andrei pero malakas ang loob ng lalaki na manatili lang.


"No-"


"Sige na!" Nakita kong parating na si Tristan.


"Fine.." Umalis ito ng walang magawa.


Gusto ko sanang sabihin yung totoo kay Tristan. Pero alam ko ng hindi ako paniniwalaan nya. Mas mabuti na lang na lumayo ako. Lumayo na lang sa kanya.


"Shine.. Kanina pa kita hinahanap.." Si Jake na lang siguro yung sasamahan ko.


Ngumiti ako sa kanya.


"Sorry.." sabi ko.


Alam kong nagtaka sya pero balewala lang yon akin. Ang mahalaga kakayanin ko.


Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon