Kabanata 52

211 7 0
                                    


Kabanata 52

Shine


Hindi ko rin alam kung tama ba na for the second time around ay tatakas na naman ako sa isang bagay na lagi ko namang ginagawa. Babalik ulit ako ng New York. Ayokong umalis pero kailangan ko muna siguro 'to. I need to healed my broken heart.. At isa pa natatakot na rin akong magmahal pa ulit kahit sabihin pa natin na mahal ko pa rin sya. Hindi naman nagbago yon, Nagbago lang dahil sa sakit na nararamdaman ko. 'Yong sakit dulot ng matinding pagmamahal ko sa kanya no'n.  


Habang nag-p-pack up ako ng mga gamit ko hindi ko rin maiwasang hindi maisip na siguro kung hindi naging matindi yong sakit na naramdaman ko no'n siguro baka hindi ko gagawin ito. Siguro I'm not afraid to take a risk. Pero hindi e. Hindi gano'n kadali yon.

"Best.." Nilingon ko si Lyn na kakapasok lang sa kwarto ko habang nagaayos ako ng mga gamit ko.

"Kung nandito ka para pagsabihan ako.. Please, wag ngayon." sabi ko. Pinagpatuloy ko na ang paglalagay ng mga damit ko sa maleta ko.

Pagkatapos noon, nagbalik na ang alaala ko. Ako mismo nagulat dahil hindi ko talaga silang lahat nakilala. Maliban kay Lyn. Pero ngayong nagbalik na ang alaala ko. Siguro naman, oras na para gawin ko na ang matagal ko ng dapat gawin. Ang lumayo.

"Hindi naman 'yon ang pinunta ko dito e." Lumapit sya sakin at naupo sa kama. "Gusto sana kitang makausap.."

Tinignan ko sya. At nakikita kong malungkot sya dahil sa gagawin ko.

"Sigurado ka na ba talaga dyan?" Simula ng sinabi ko sa kanya na aalis ulit ako hindi na nya ako tinigilan sa tanong na yan. Paulit ulit nyang tinatanong yan sakin.

"Hindi ko alam kung pang ilang beses mo ng natanong sa'kin yan." sagot ko. Tinigil ko muna ang paglalagay ng damit at naupo ako sa tabi nya. "Ito na kasi ang sa tingin kong tama.. Kung hindi ko gagawin 'to, Paano ako makakapag-move on kung araw -araw naman ang daming 'What if's' ang pumapasok sa isip ko. Ayoko naman ng gano'n. Ayokong mabuhay sa puro akala na lang, gusto ko sigurado ako.." sabi ko. Huminga sya ng malalim.

"You sure, Aalis ka talaga?" tanong nya ulit.

"Sigurado ako dito." Huminga ako ng malalim. "At isa pa, kailangan ko na rin talagang bumalik do'n. Nando'n ang trabaho ko. Babalik naman ako."

"Babalik ka nga.. Hindi ko naman sure kung kailan.." Malungkot na sabi nya.

"Basta, I promise babalik ako.." sabi ko. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko.

"Ako pa rin naman yong best friend mo diba?" Ngumiti ako dahil sa sinabi nya sakin.

"Syempre naman.. You're always be my best friend.. Kaya wag kang malungkot kung aalis ako.." sabi ko. "Uy, Ngingiti na yan.. Ngingiti na ang best friend ko." Wala rin syang nagawa kundi ang ngumiti na ng tuluyan.

"Sige na, Baka ma-late ka pa nyan sa flight mo mamaya." Mamaya agad yong flight ko. Nakapagpa-book na kasi ako ng flight last week. Tumayo na ako upang ipagpatuloy ang pag-p-pack ng bigla nya akong yakapin.

"Ma-m-miss talaga kita best.. Sobra." Ganyan sya talaga. Touchy kung touchy. "Naiiyak tuloy ako.."

"Grabe ka naman.. Hindi naman ako mawawala.." Humiwalay ako sa yakap nya. "May facebook naman at skype.. Magkakausap pa rin tayo nuh." sabi ko.

"Baka kasi hindi ka na naman magparamdam ulit.. Tulad no'n.." Oo nga. Naalala ko no'n. Pinutol ko lahat ng koneksyon ko sa kanila kahit sa kanya. Hindi ko siya kinausap kahit pa gustong gusto ko syang maka-kwentuhan.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos habang kinukilit nya ako dito. Ma-m-miss ko rin naman sya. Pati rin ang mga taong naging bahagi ng buhay ko.


Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon