Kabanata 3

761 15 5
                                    


Kabanata 3


Masakit para sa akin na kaya niyang sayangin ng ganoon na lang ang meron kami. Kahit ganoon ang nangyari sa amin, umaasa ako na balang araw ay maaayos ang meron kami.

"Shine! Ito na!" masayang bungad sa akin ni Lyn.

"Ano iyan?" pagtukoy ko sa dala niyang malaking box.

"Guess what?" nangingiti niyang sabi.

"Anong guess what? 'Tsaka ano ba iyan?"

"Hina mo naman." binuksan niya ang malaking kahon.

"Tentenen!"

"Wow! Ang cute!" kinuha ko mula sa kahon ang isang teddy bear.

"Sino nagbigay nito?" tanong ko. Hinaplos-haplos ko ang teddy bear dahil sa lambot nito. Hindi ko akalain na may magbibigay sa kanya ng ganito. "Manliligaw mo?"

"What? Manliligaw? Sa iyo iyan, Shine."

"Sa akin?"

"Oo. Pinaabot iyan ni Tristan."

"Hindi ko tatanggapin iyan."

Binalik kong muli ang teddy bear sa bix at tumayo.

"Saan ka pupunta?"

"Ibabalik ko sa kanya iyan." Hinablot ko ang box at isinara ito. Mabibigat na paghinga ang pinakawalan ko dahil sa galit, inis at iritasyon. Ito ba ang way niya para mapatawad ko siya?

Anong tingin niya sa akin? Hindi madaling tanggapin ang ginawa niya. Parang sinasabi na niya na hindi ako mahalaga sa kanya. Kaibigan niya ako.

Mabibilis na paghakbang ang ginawa ko dahil nakikita ko na mula rito si Tristan. Nagkakatuwaan sila sa garden nitong university. Kung saan dito madalas tumambay ang mga estudyanteng walang klase. Kasama niya si Erika at iilan sa kaniyang mga kaibigan.

"Tristan,"

"Shine, Anong ginagawa mo rito?"

Bumaling ako kay Erika. Nakita ko ang pag irap niya sa akin.

"Sa iyo na ito. Hindi na ako tumatanggap ng kahit na anong regalo."

"Pero sa iyo na iyan."

"Peace offering? Huh. Inalis mo na ako sa buhay mo so dapat wala na tayong pakialaman sa buhay. Live with your life and I'll live with my life, too."

Inilapag ko sa mesa ang kahon. Mataman kong tiningnan si Trista.

"Huwag mo na rin akong papakialaman at hindi na rin kita papakialamanan pa."

"Ang kapal din ng mukha mo." si Erika.

Binalingan ko siya. I gave her a sharp gaze.

"Ikaw? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Bakit hindi mo ipagsabi sa kanila kung anong kinalaman mo rito?"

"Nabi-bitter ka lang."

"Ano naman sa iyo kung bitter ako? Erika, bestfriend ko 'yon, eh. Talagang ganito ang magiging reaksyon ko."

"Hindi mo kasi matanggap na-"

"Tama na!" si Tristan.

"Puwede ba Erika? Huwag ka nang sumabay."

Umirap si Erika. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at iniwan ko silang lahat roon. Madali naman ako kausap kung iyon ang gusto niya.

"Shine, sandali!" Hinila niya ako sa aking palapulsuhan. Huminto ako sa paglalakad at tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon