Kabanata 39

327 9 3
                                    



Kabanata 39

Sobrang natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo. Kasi kung talagang naiintindihan nya malalaman nya agad. Pero sadyang mailap ang lahat. Ilang linggo ko na rin pinag isipan na kung sasabihin ko na ba sa kanya ang totoo o hindi na. Pero ayokong magsisi sa huli. Ayokong magsisi na naman ako.

"Okay ka lang?" Tumabi sakin si Lyn ng mapansin nya sigurong nag iisa ako sa sulok. Tinignan ko sya pero hindi rin matagal. Binaling ko agad ang atensyon ko sa dalampasigan. "Kaya nga sinama kita dito para mag enjoy ka." sabi niya. Huminga ako ng malalim.

"Sorry." Ramdam ko na rin ang malakas na hampas ng hangin sa balat ko.

"Malamig na dito. Gusto mo samahan kita sa loob?" Tinignan ko sya at ngumiti ako.

"Hindi na.. Samahan mo na lang si Elrick sa loob." Dahil sa nabanggit ko si Elrick napangiti naman sya. "Sige na. Kaya ko na ang sarili ko. Okay?"

"Sigurado ka ba?"

"Oo naman.. Alam ko naman kung ga'no mo sya na-miss diba?"

"Sige na nga.." Tumayo ito. "Ipadadala ko na lang kay Sam yong jacket. Talagang malamig na dito.." sabi nya. Lumapit sya sakin at niyakap ako. "You'll be fine" she said after nya akong yakapin.

"Sana nga." Ngumiti ako sa kanya at tuluyan na syang umalis.

Naiwan ako na nakaupo sa malaking tipak ng bato habang nakayuko ako at habang gumuguhit ako sa buhanginan.

"Oi, heto daw yong jacket."

Tiningala ko yong taong naging dahilan ng pagtigil ko sa pagsusulat ng pangalan ko sa sand. "Ikaw pala yan Sam.." sabi ko.

"Pwedeng tumabi?"

"Go on.."

"Suotin mo daw to sabi ni Lyn." Inabot nya sakin ang jacket at mabilis ko yon sinuot.

"Thanks." Binalik ko ulit ang atensyon ko sa pagsusulat sa sand.

"By the way, Bakit hindi mo kasama yong.. Jake ba yon?" Tinignan ko sya dahil kilala nya si Jake.

"Kilala mo si Jake?" tanong ko.

"Sort of.. Nakasama ko kasi sya isang business matter.. So ayon,"

"Ahhh.."

Kung nagtataka kayo kung sino ang kasama ko, siya si Samuel. Nakasama ko rin sya sa States no'n. Pero sandali lang dahil agad din syang umuwi.

"Kumusta na pala si Tita Zelle. I'm sure akong gusto ka nyang bumalik ulit."

Tinigil ko ang pagsusulat sa sand at binaba ko na lang ang hawak kong stick.

"Yeah.." Huminga ako ng malalim. "Pero sabi ko, may dapat muna akong ayusin bago ako bumalik.."

"If you don't mind. Pwede ko bang malaman yon?" Tinignan ko sya. "So. No?"

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi lang talaga pwede.."

"Ohh. Gano'n ba?." pagkatapos ay bahagya syang tumawa.

"Bakit? Mali ba?" tanong ko.

"Alam mo, tatlong taon lang tayo hindi ulit nagkita. Hindi mo na agad pwedeng sabihin lahat.." Sa tono ng pananalita nito parang nagtatampo sya. Tumawa ako kaya naman nagtaka sya kung bakit.

"Hahahaha. You know what?.. Hindi ka pa rin nagbabago.." Huminga ako ng malalim matapos kong pakalmahin ang sarili ko sa kakatawa.

"Depende naman sa tao yan kung magbabago sya o hindi.." dahil sa sinabi nya biglang may pumasok na katanungan sa isip ko.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon