Kabanata 42

254 6 2
                                    


Kabanata 42


Erika


Napabangon ako dahil pakiramdam ko nananaginip ako. Hindi ko rin naman maintindihan at kung bakit ganon ang panaginip ko. Magkasama daw kami ni Tristan at masaya pa kami habang magkasama. Pero kahit sa panaginip lang naman. Gusto ko na ring matauhan. Gusto ko na rin gumising sa kahibangan ko kahit alam kong imposible ng mangyari yon.

Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid sa kwartong ito at do'n ko napansin na hindi ko kwarto ito. Sht. Asan ako? Napakamot na lang ako sa ulo ko ng maalala kong sobrang lasing ako kagabi at halos hindi ko na alam kung ano ang mga pinagsasabi ko.

Agad ako napatingin sa suot ko. Naka-shirt ako at pajama na may design na spongebob. Teka? hindi naman ito ang suot ko kagabi ah? Bakit naging pantulog na? Ang alam kong suot ko kagabi is dress pero. Shit na malagkit talaga. Haist! Agad akong tumayo. Ang sakit pa rin ng ulo ko.

Lumabas ako ng kwarto. "Gising ka na pala.." Tinignan ko sya na nakaupo sa sofa habang naka-dekwatro at may hawak na mug. Shit nanaman! Ano 'tong napasok ko?

Parang kanina I was dreaming of him.

Nilapag nya ang hawak nyang mug sa table at tumayo sya patungong kitchen kaya sinundan ko sya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang kahit pilitin kong magsalita, wala talagang lumalabas sa bibig ko.

"Bakit mo ba 'to ginagawa..." Out of nowhere na tanong ko. Tumigil sya sa paglagay ng plate sa table at tinignan ako ng seryoso.

Hindi ko rin alam kung bakit ko na lang nasabi yon.

"Ginagawa ko 'to dahil ayokong may mangyaring masama sa'yo.. Kagabi ng tumawag ka.." tumigil sya sa pagsasalita. What?! Tinawagan ko sya?! "I mean si Jake... Tinawagan nya ako to fetch you.. You're really drunk last night.. And na-g-guilty ako dahil pakiramdam ko, Wala akong kwentang tao.. Dahil ayokong masayang ang buhay mo dahil lang sa'kin.."

"Tristan, Lahat tayo may choice.. Ano man ang ginagawa ko sa buhay ko.. Choice ko yon.. and It's my fault kung magkamali man ako.." I said. "Kaya ko naman ang sarili ko.. Sana hindi mo na lang ako dinala dito."

"Pero lasing na lasing ka kagabi.. At hindi rin kaya ng konsensya ko na iwan ka ng mag isa."

"Sana hindi mo na ginawa dahil sa ginagawa mong yan.. Lalo ko lang nabibigyan ng kahulugan lahat ng efforts mo.."

Lumakad na lang ako patungong banyo upang makuha ko ang damit ko.

Muli ko syang hinarap upang tanungin na..

"Sino pala ang nagpalit ng.. damit ko.." I asked him na may kaunting hiya. Nakita kong namula sya pero dagli rin nawala..

"Si Shine.. Tinawagan ko sya kagabi.. Pupunta sya dito mamaya.." I just rolled my eyes at tinungo ko na ang banyo upang makapagbihis na ako.


***


Paglabas ko ng banyo nakita ko si Shine na nakaupo sa dining habang may kausap sa phone. Dinaanan ko sya at hindi ko sya tinanong or what. Kinuha ko sa sofa ang pouch na dala ko.

"Mabuti at okay ka na.." sabi nya. Nilingon ko sya saglit at inayos ko ang magulo at basa kong buhok. Naghanap ako ng comb sa pouch ko pero wala akong dala..

"Here.." Inabot nya sakin ang brush nya sa buhok. "Just use it." Tinignan ko sya at kinuha ko na lang yon. Hindi pa rin ako nagsalita at nanatili lang akong walang imik.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon