Kabanata 26

353 9 4
                                    


Kabanata 26

Hindi na pinatagal ni tita yung pagpunta namin ng states. Gusto nya agad pabilisin ang lahat. Pero ang sabi ko muna wag muna kaming umalis hangga't hindi pa ako nakapag paalam sa kanila. Pero wala e. Gusto nya agad kaming umalis.




Marami akong mami-miss dito kapag umalis na kami patungong states. Pero si Tita nagmamadali. Sabi ko nga sa kanya, mauna na lang sya kung gusto nya. Pero baka daw hindi ako tumuloy pag nauna sya.




"Aalis ka?" tanong ni Lyn matapos kong ipaalam sa kanya ang totoo na aalis kami ng bansa.




"Oo e. Si Tita, gusto nya na umalis kami kaya pumayag na rin ako."




"Sabi na e."




"Anong sabi na?"




"Papayag ka rin.. Ay hindi.. Gugustuhin mo rin na umalis.."




"Mukhang kailangan ko na ngang magsimula ng bago."




"Mabuti na rin yan.. Kasi kung andito ka lang, baka mamaya nyan hindi ka makapag-move on.."



Ngumiti naman ako. "Kahit naman andito ako makakapagmoveon pa rin naman ako.."




"Really?.. Kahit nga tulungan ka namin, lagi mo naman syang nakikita.."





"Hindi nga sabi e.."




"Pero pag andun ka na.. Wag mo naman gawing rebound si Jake..Maawa ka naman sa tao.."




"Ano bang sinasabi mo?" sabi ko. "Hindi ko gagawin yan.. mahalaga sakin si Jake.. at kung ma-feel kong mahal ko na syaedi-"




"Paano kung sya pa?"




Napaisip ako sa tanong ni Lyn.




"Hindi naman siguro.." sabi ko.




"Nasasabi mo lang yan, dahil hindi pa nangyayari.. pero kung andun ka na sa sitwasyong ganyan.. magtatanong ka rin.. Pero seriously, wag mo talagang gawin.." paalala nya.




"Kasama naman sa pagmamahal ang masaktan.. Umiyak.. Makasakit ng iba.."




"Oo.. At choice mo yon kaya nangyari yon.."




"Wag na natin to pag usapan.." pag iiba ko.




"Sus.. umiiwas ka lang.."





"Bahala ka nga!" sabi ko. Nabadtrip na tuloy ako sa pinag usapan namin ni Lyn. Pero paano nga kung magawa ko yon? Ayoko namang makasakit.




*****




Iniwan ko na lang si Lyn doon na nakaupo. Kainis kasi yung mga tinatanong nya sakin. Para tuloy akong natatamaan. Parang totoo lahat ng sinasabi nya tungkol samin ni Jake.




Pero siguro-




"Aray!" Napahawak ako sa noo ko dahil sa malakas na pagkakabangga ko.




"Kasi naman e! Hindi ka-!"




Napahinto ako dahil sa nakita ko.




"Ikaw pala.." sabi nya.




"Tristan."




"Kumusta ka na?"




"Mabuti naman ako.."sabi ko. "Mauna na pala ako.." Lalakad na sana ako pero nagsalita sya.




"Mag ingat ka.." nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ko na lang pinansin. 'Di kaya nalaman na nya yong tungkol sapag alis namin? Hindi naman siguro.. 




Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon