Kabanata 51

215 7 0
                                    


Kabanata 51


Shine


Napahawak ako sa ulo ko na ngayon ay sumasakit na talaga. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kasakit ang ulo ko. Kaya naman hinayaan ko lang. 

"Ayos ka lang?" tanong ni Lyn. Lumapit sya sakin upang hawakan ang ulo ko. 

"Masakit lang.. ulo ko."

Nataranta agad sya kaya naman sinabi kong okay lang talaga ako. Pero yung sakit nito, hindi pa naaalis.

"Hey! Shine!" Napasandal na lang ako sa sofa habang hawak ko ang ulo ko. "Shine. Saglit lang. Tatawagan ko lang ang-

Hindi ko na narinig pa ang sinabi nya ng mawalan na ako ng malay.


~*~


"Okay ka na ba?" Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko ang mukhang nag-aalala na si Tristan. Napabalikwas ako ng makita ko sya.

"Ginagawa mo dito?"

"Ang sabi ko ayos na ba pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ulo mo?"

Yumuko ako ng hindi nakatingin sa kanya.

"Ayos na." Nandito lang naman ako sa room ko. Akala ko nga dinala pa nila ako sa hospital. Kung ganun, ang OA naman nila kung gagawin pa nila yun.

"Sabi pala ng doktor kanina.." Napatingin ako sa kanya. Nagbabalat sya ng apple. Kailangan binabalatan? Pero sabagay, mas madali nga yun. "Normal lang daw yan mangyari..." Tumingin sya sa'kin. "Gusto mo bang mamasyal?" Inabot nya sa'kin ang apple.

"Bahala ka." Then kinagatan ko na ang apple na bigay nya.

"Sa'n mo ba gustong pumunta?" Naupo sya sa may gilid ng kama ko.

"Bahala ka nga diba?"

"Okay." Ngumiti sya at ako naman inubos ko na lang ang apple na bigay nya.


~*~


"Nagustuhan mo ba?" tanong nya ng makarating na kami sa lugar na sya mismo ang pumili.

"Ano naman 'to? Playground? Ano tayo? Maghahabulan?"  Sumimangot sya saka ako hinila sa may swing. Naupo ako dun at sya naman sa kabila lang.

"Memorable sa'kin 'tong lugar na 'to. Dito kaya kita nakita noon. Umiiyak ka pa nga.. Tapos nung nilapitan kita, sinungitan mo ako." Tumawa sya ng mahina. Umiling na lang ako at yumuko.

"Dito tayo.." Napatingin ako sa kanya. "Nagkakilala?"

"Yup.. And the day na nakita kita dito.. Iyak ka ng iyak. I think that was 9 years ago.. Mga ganun. Dito mismo sa swing na ito, Dito kita nakita nun.."

"And?"

"And that day, we're friends na.. Sabi mo pa nun, guy best friend mo ko.." Tumawa na naman ulit sya.

"Hindi yun nakakatawa ah.."

"Joke lang.." Tinitigan nya ako. Nailang tuloy ako kaya umiwas ako ng tingin. Awkward naman. Feeling ko, namumula ang pisngi ko.

"U-uwi na tayo." I'm stammering. I can't believe this. Tumayo na ako at naglakad.

"Shine." Humarap ako sa kanya. May hawak syang isang mahabang box.

"Ano?"

"Para sa'yo pala." Binigay nya sakin yun. Pagbukas ko isang necklace na may pendant na sun. Ang ganda.

Tinignan ko sya. "Bakit sun?"

"Because It's just like you. Kahit pigilan na lumiwanag, Still It always Shine and still beautiful." Ngumiti sya saka nya yon kinuha at ikinabit sa'kin.

"Yan. E di mas maganda na yung kwintas."

"Ano ako? Dekorasyon?" Ngumiti lang sya saka ako hinawakan sa mga kamay ko.

"I'll wait for the day na matandaan mo na ako. I'll be here waiting for you. Gaya ng sinabi ko dati.."

Then, bigla akong nakaramdam ulit ng pagkasakit ng ulo.


Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon