Kabanata 7
Pagdating ko ng bahay agad kong kinuha yung laptop ko at tinawagan ko agad si Tita upang tanungin kung ano ang sasabihin nya.
"Shine.. Kumusta ka na?" tanong agad ni Tita sakin matapos ko syang tawagan sa skype.
"Ayos lang ako Tita.. Ikaw po?"
"Ayos lang naman ako dito... Nga pala yung sasabihin ko sayo... Pwede bang bumalik ka na dito sa states?" sabi nya.. Nagulat ako sa sinabi nya. Kasi all this time hindi na nya ako tinanong pa tungkol sa bagay na yan dahil alam nyang magagalit lang ako.
"Tita naman..." sabi ko..
"Okay.. Hindi na ako magtatanong pa tungkol doon.. Pero sana naman Shine, pumayag ka.. Alam mo namang namimiss na kita... Wala ka ngang kasama dyan.."
"Andito naman po si Lyn eh.." sabi ko.
"Pero mas may kinabukasan ka dito.."
"Tita.." mahinang sabi ko..
"Fine.. Pero sana pumayag ka..."
Yumuko na lamang ako hanggang sa marinig ko na binaba na nya yung call.
Wag muna ngayon Tita. Baka pag dumating na yung time na kaya ko na talagang mag-give up sa pagmamahal na meron ako para kay Tristan...
Tanga na ba?.... Sadyang mahal ko lang sya.. Sobra- sobra.. Higit pa sa buhay ko...
Inihiga ko na lang ang katawan ko sa kama hanggang sa hindi ko na napigilang umiyak. Dahil nanaman sa pagmamahal ko na ito na halos ikasira na ng buhay ko. Ang dami kong tanong. Kailan ba ako titigil na mahalin sya? Kailan ko ba isusuko ang pagmamahal ko sa kanya? Kahit alam kong hindi nya ako kayang mahalin ng higit pa sa kaibigan..
Napakagulo. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam.
Kinabukasan napaaga ako ng punta kina Lyn. Pero nung nasa tapat na ako ng bahay nila.. Biglang nagbago yung isip ko.
Hindi na lang ako papasok. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero ang alam ko lang muna sa ngayon.. Kailangan ko munang makapag isip tungkol sa sinabi ni Tita sakin kagabi..
Lakad lang ako ng lakad at hindi ko napansin na parang may sumusunod sakin.. Hindi ko na lang pinansin yon. Ano bang pakialam ko sa kanila? Baka mga tao lang yon dito.. Pero napansin kong parang napalayo na ako at hindi ko alam kung saang eksaktong lugar nasaan ako.
Naramdaman ko na lang na biglang natumba ako sa isang braso ng taong hindi ko alam kung sino. Kung sino man sya... Sana kilala ko ang taong ito...
Nagising ako dahil sa mabangong bagay na naaamoy ko. Anong amoy yun? Agad akong bumangon at nakita ko ang isang kwarto na napakaganda at linis.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa lamesa habang naghahanda ng makakain sa mesa..
"Sino ka?" tanong ko sa kanya habang papalapit ako.
Humarap sya sakin akma ko na sanang sasampalin sya ng mapatigil ako ng makita ko si Jake..
"Jake?" pagtataka ko.
Ngumiti lang sya sakin. Binaba ko na yung kamay ko na dapat ipangsasampal ko sa kanya.
"Mabuti nakita mo ako.." sabi ko.
"Upo ka muna.." Umupo ako sa upuang inalok nya sakin..
"Napansin ko kasi kanina na parang hindi maganda yung pakiramdam mo... Hindi ko naman akalain na ikaw pala yun.." Umupo na rin sya matapos nyang lagyan ng tubig yung baso ko..
"Akala ko talaga kung ano na nangyari sakin kanina..."sabi ko.
"Hindi ka ba kumain kanina or kagabi?" tanong nya.
"Hindi eh.."
"Kaya pala..... Kumain ka na lang dyan para hindi ka na mahilo pa.."
"Salamat dito ah... " sabi ko. " Sa tuwing gusto ko ng kausap palagi kitang nakikita.."
"Baka naman.... Nevermind... Kumain ka na lang.."
Hindi ko na lang pinansin yung sasabihin nya kahit na nabitin ako.
Paano nga kung totoong sya ang magiging dahilan ng lahat?
Habang kumakain ako hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanyang mukha.... Paano nga kung may.. Ah basta.. Bahala na lang kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat ng ito...
BINABASA MO ANG
Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)
RomanceCOMPLETED || (EDITING) January 23, 2016 - March 14, 2017 REVISED: December 02, 2018 All Rights Reserved 2016 ©bluecrazyaddicted