Simula

1.6K 19 3
                                    


Simula

Hanky


Mahirap magmahal ng isang taong alam mo sa iyong sarili na kaibigan lang ang turing niya sa iyo.

Ang pakiramdam na araw-araw kang umaasa, pero araw-araw ka rin na nasasaktan.

"Shine! Bilisan mo diyan!" sigaw ni Lyn sa akin pagkatapos ay nauna nang maglakad. Isang hakbang ang ginawa ko para masundan ang kaibigan pero napatigil ako nang mapansin kong natanggal sa pagkakatali ang aking sintas.

Mabilis akong yumuko para itali ang aking sintas.

"Late ka na sa klase mo niyan." ani ng boses sa aking likuran. Matapos kong itali ang sintas, ay lumingon ako sa aking likuran. Ngumiti ito sa akin.

"Gino!"

Mabilis akong tumayo at nagtungo sa kanya. Agaran ang pagyakap ko sa kanya.

Mahinang tumawa si Gino. Mabilis akong humiwalay sa kanya.

"Miss mo ba talaga ako, huh?" sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Ang kapal mo!"

Hinampas ko siya sa kanyang braso. Mahina itong tumawa.

"By the way, Uuwi na raw kayo ng Pilipinas?" si Gino.

"Ah, Yeah. Kailangan na namin bumalik and besides si Dad doon na rin ang work niya."

"So, You're not going to perform again?"

"No, I'm going to perform again and may offer na ako sa Pilipinas."

"Then, that's great!"

Kumakanta kasi ako sa isang sikat na bar near in our place. 

Nagsimula na kaming maglakad habang nagku-kuwentuhan.


Sa sobrang bilis ng panahon, nauna nang bumalik ng Philippines si Lyn at ang kanyang pamilya. and now, kami naman ang uuwi.

"You take care, okay?" bilin sa akin ni Gino.

"Yup. You too." Ngumiti siya sa akin at pinisil ang aking pisngi.

"I'm gonna miss you."

"Me, too." Tiningnan ko siya ng mabuti.


"Shine! Make it fast!" Lumingon ako kay Mommy na sumunod na kay Daddy hila-hila ang stroller sakay ang aming mga maleta.

"Alis na ako, ah." paalam ko. Lumapit ako kay Gino at sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya.

"See you again, Soon." Si Gino.

Lumayo ako sa kanya at nginitian siya. Nagsimula na akong maglakad at sumunod na kay Mommy at Daddy.

I'm gonna miss this place and the people I met. And every memories we have. Maybe in no time I'll be back again to this place and remembering every piece of memories.


Sinundo kami ng driver ni Auntie Zelle sa airport the moment na nakarating na kami sa NAIA.

Muli akong humukab dahil sa mahabang biyahe.

"Are you tired, darling?" Nilingon ko si Mommy.

"Yes, Mommy."

"Don't worry, malapit na tayo sa mansyon ng Lolo mo."

Inabala na ni Mommy ang kanyang sarili sa pagtitipa sa kanyang cellphone.

"Marissa, Naroon na ba sa mansyon ni Papa si Zelle?"

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon