Kabanata 6

648 14 2
                                    


Kabanata 6


Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari hindi ko na rin binalik-balikan ang lahat ng sakit na naranasan ko nitong huli.

Tinanaw ko ang kulay kahel sa kalangitan at tiningala ko ang mga nagtatayugang mga puno.

Hindi ko lang inakala na ganito ang mangyayari sa lahat ng mga bagay. Siguro tama nang nangyari ito para naman kahit paano ay magagawa kong kalimutan ang mga masasakit na nangyari.

Habang tinitingala ko ang kulay kahel na kalangitan ay sumabay naman ang pagtunog ng aking cellphone.

"Lyn."

"Saan ka ngayon?" Tumayo ako at nagsimulang maglakad sa baywalk.

Tanaw rin ang kulay ng langit sa karagatan.

"Narito sa Baywalk. Bakit?"

"Ha? anong ginagawa mo diyan?"

"Obviously namamasyal."

"Malapit na maggabi, ngayon ka pa namasyal?"

"Bakit nga kasi?"

Huminto ako at tinuko ang aking siko habang kausap si Lyn.

"Nandito ako sa tapat ng bahay niyo. Wala ka rito eh."

"What? Kanina ka pa nandiyan?"

"Hindi naman, bilisan mo at may sasabihin ako sa iyo."

"Oh, sige. Papunta na ako."

"Sige, ingat ka."

Isinilid ko sa aking sling bag ang cellphone at nagsimula na akong maglakad patungong sakayan.

Ano naman kaya ang sasabihin ni Lyn sa akin? Bakit sa ganitong panahon pa siya magbabalita sa akin ng ganito.

Pumara ako sa tapat ng aming bahay at nagbayad sa driver ng trike ay naabutan ko si Lyn na nakatayo sa tabi ng gate.

"Lyn."

"Shine naman, bakit ngayon ka lang? Alam mo bang dadagain na ako sa kakahintay sa iyo?"

Lumapit ako sa gate at binuksan ang lock nito. Salita lang nang salita si Lyn dahil sa tagal kong makauwi.

"Pasensiya na kasi. Ano bang sadya mo rito?"

Binuksan ko ang double doors pati ang ilaw sa sala. Dumiretso nang upo si Lyn sa sofa. Talak lang siya nang talak. Naglakad ako patungong kusina habang nakasunod lang sa akin si Lyn at sinesermonan ako sa mga nangyari.

"Hinidi na kayo nagkakausap ni Tristan?"

"Hindi na." Kumuha ako ng dalawang baso at sinalinan ang lahat ng iyon.

Inabot ko sa kanya ang baso ng tubig.

"Ito lang ba ang ipinunta mo rito?"

"Hindi. Makiki-sleep over ako rito."

"Hindi nga?" Natutuwang tanong ko.

"Oy! Excited siya!"

Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko.

"Tumigil ka nga!" Ngumiti ako. Sumimsim siya sa kanyang tubig. "Teka? Kumain ka na ba? Magluluto ako. Mamaya movie marathon tayo. Tagal na nating hindi nagagawa iyon eh."

"Oo ba! Game ako dyan!"

Nagluto ako ng hapunan at habang naghahanda ako ay panay ang kuwento ni Lyn. Paminsan-minsan ay tumatawa ako sa mga nakakatawang kuwento niya sa akin tungkol sa campus at mga prof. niya.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon