Kabanata 9

535 11 1
                                    


Kabanata 9


Sabay kaming umalis ni Jake ng apartment nya at hinatid nya ako sa apartment ko. Hindi na ako tumanggi dahil gabi na rin naman.


"Ikaw lang din mag isa sa apartment mo?" tanong nya. Pagbaba namin ng motor nya matapos kaming makarating sa tapat ng building ng apartment ko.


"Oo.. Minsan dumadalaw sila sakin.." sabi ko. Inabot ko sa kanya yung helmet nya dahil saakin nya ito pinasuot.


"Pasok ka muna sa loob at baka gusto mo munang kumain.." alok ko ng makarating na kami sa tapat ng pinto ng apartment ko.


Pero iba ang nakita kong naghihintay sa labas ng apartment ko. Kundi si Tristan. Nakatayo sya sa tabi habang nakalagay ang mga kamay nya sa bulsa nya.



"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Lumapit ako sa pinto at marahan ko itong binuksan..


"Can we talk?"  sabi niya.


"Sa ibang araw na lang.. Kita mong may kasama ako.."


"Ahm.. Shine mauna na lang pala ako.." sabi naman ni Jake.


"Dito ka lang.."


"Para makapagusap na kayong dalawa.." Pero hindi ko napigilan si Jake na umalis. Agad akong pumasok sa loob at sumunod naman sakin si Tristan.


"Ano pa bang problema mo? Bakit ba ayaw mo akong tigilan? Masaya ka nanaman diba?"


"Hindi tulad ng iniisip mo Shine.."


"Ano ba dapat kong isipin?" sabi ko. Medyo may pagtaas na sa boses ko.


"I really missed my bestfriend Shine.."


Nakita kong may katotohanan sa sinasabi nya.. Bawat sinasabi nya sakin nararamdaman kong na-miss ng nya ako.


"Ako rin naman Tristan..Sobrang miss ko na yung dati.. Pero wala na akong magagawa.. Hanggang dito na lang yung meron tayo.. Kailangan ko ng lumayo sa inyo ni Erika.."


"Bakit ba ang daya?"


"Umalis ka na lang... Wala ng mangyayari kung mag uusap pa tayo..." sabi ko. Lumakad ako sa pinto at binuksan ko ito para kusa na syang lumabas..


Pagkaalis nya agad ko itong sinara. Ang laki ng panghihinayang ko sa relasyong meron kami na nasira dahil sa isang desisyon..


Pero bigla kong binuksan yung pinto para kausapin na lamang sya ng walang galit pero wala na sya. Mukhang sya mismo sumuko na makakapagusap kami ng matino.. Im sorry Tristan. Pero tama nga siguro ang ganito...


Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon