Kabanata 60

104 4 0
                                    


Kabanata 60

Hinintay kong matapos sa ginagawa si Tristan. Mula sa kina-uupuan ko, ay natatanaw kong nakakunot ang kanyang noo habang binabasa ang mangilang paper works niya.

"Naka-kunot na naman ang noo mo," aniya ko.

Tumayo ako sa pagkaka-upo sa sofa ng kanyang opisina at lumapit ako sa kanyang likuran.

"Tatapusin ko lang ito,"

"Sige lang, take your time."

Ipinatong ko ang aking magkabilang kamay sa kaniyang balikat at marahan ko iyong minasahe.

"Kung gusto mo, umuwi na lamang tayo." suhestiyon niya.

Inangat niya ang kanyang ulo at tinanaw ako.

"Sigurado ka?" pagkumpirma ko.

"Oo. Hindi ko matatapos ito kung nariyan ka lang, hindi ako makapag-concentrate."

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa kaniyang balikat.

"Sus."

Binitiwan niya ang aking kamay at sinara ang kanyang laptop.

Bahagya akong lumayo nang nagsimula na siyang iligpit ang mga gamit niya.

"Halika na," aniya at hinila ako palabas ng opisina.

Hanggang ngayon, kahit na nauuna akong puntahan siya sa opisina tuwing maagang natatapos ang trabaho ko, ay talagang hindi na niya itinutuloy ang mga gagawin niya.

Nang minsang tanungin ko siya, aniya ay mas mahalaga raw ako kaysa sa trabaho niya.


Nang makarating kami sa pina-reserve niyang restaurant ay pinagsalikop niya ang aming mga kamay.

Tiningnan ko siya nang makapasok kami sa double doors ng restaurant, pero wala lang ito. Naka-half smile siya.

"Ano ang nakakatawa?" tanong ko matapos niya akong ipaghila ng upuan at naupo sa katapat kong upuan.

"Masaya lang ako,"

"Akala ko ay ako ang pinagtatawanan mo, e."

"Bakit kita pagtatawanan?"

"Alam ko ikaw, hindi ko alam kung minsan pinagtatawanan mo ba ako o hindi, e."

Mahina itong natawa.

Nang binigyan kami ng menu ay nagpatuloy ako.

"Kita mo na?" Natawa na rin ako.

"Hindi ka pa rin ba naninibago? Shine, engaged na tayo pero parang manghang-mangha ka pa rin sa lahat nang nangyayari."

"Hindi ba at sinabi ko sa iyo na parang kahapon lang---"

"Okay na iyon," hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. "Ang mahalaga rito, mayroong ikaw at ako."

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Aminin ko, kinilig ako sa hirit niyang iyon, ah. Itong lalaki na ito, minsan kung humirit, e.

"Sus. Saan mo naman nakuha 'yan?"

Sumimangot tuloy siya.

"Order na nga tayo, mga hirit mo talaga." natatawang sabi ko.


Nang matapos kaming kumain ay akala ko ihahatid niya na ako sa bahay pero iniliko na muna niya ang sasakyan sa madalas naming puntahan.

"Dito muna tayo," sabi niya nang huminto ang sasakyan sa tabi ng cliff.

"Malamig na---"

"Don't worry, ito oh." Pinakita niya ang blanket sa akin.

"Handang-handa?"

"Ako pa."

"Yabang talaga."

Mahina itong natawa at naupo kami isa pang blanket na dala niya.

Iniyakap niya ang kanyang kanang kamay sa akin at ipinatong ang blanket sa akin.

Nilingon ko siya.

"Paano ka?"

"Okay lang,"

Pinatong ko ang aking ulo sa kanyang kanang balikat.

"Sana ganito na lang palagi," basag ko sa katahimikan.

"Huwag kang mag alala, kapag kinasal na tayo, ganitong buhay ang ibibigay ko sa iyo."

"Kaya nga sigurado akong ikaw talaga para sa akin,"

Naramdaman ko ang pag galaw ng kanyang ulo.

"May ibibigay pala ako sa iyo,"

Inalis ko ang ulo kong nasa kanyang balikat at nilingon siya.

"Ano?"

May kinuha siyang mahabang kahon sa kanyang bulsa at nang buksan niya, tumambad sa akin ang isang kwintas na may pendant na crescent moon.

"Sa akin 'yan?"

Tumango siya at isinuot sa akin.

"There,"

Humarap ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"Thank you."

Hindi siya sumagot at hinalikan niya ako sa gilid ng aking noo.

"You are always welcome, Shi."

Niyakap niya ako pabalik.

"I love you,"

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinanw ko siya.

"I love you, too."

He gave me a sweetest kiss he could only give to me and I responded on it. He is the only Man I could dream of. He is the one that God gave me to spend my life with.


Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon