Kabanata 8

613 15 1
                                    


Kabanata 8


Pagkatapos naming magusap ni Jake napagpasya naming mamasyal muna saglit dahil sa wala rin naman syang pasok ngayon kaya nagpunta na lamang kami sa isang theme park malapit dito.


"Nga pala.. Bakit parang may malalim kang iniisip kanina? May problema ka ba?" tanong nya. Kung hindi ko lang kilala to baka iisipin kong tsismoso sya..


"Wala yon wag mo ng intindihin.. Tungko lang yon sa Tita ko.." sabi ko matapos kong makaupo sa bench at ganun din sya..


"Tanong ko lang Jake.. Ikaw lang talaga mag isa sa apartment mo?" tanong ko.


"Oo... Ayoko kasing sa bahay manatili.."


"Ahh..."


"Gusto ng ice cream?" alok nya ng may dumaan na nagtitinda ng ice cream.


"Sige.." sabi ko.


Tumayo sya at bumili ng dalawang ice cream. Inabot nya sakin ang isang ice cream.


"Salamat.." sabi ko matapos kong makuha ang ice cream.


"Hindi na ba kayo nagkikita ni Tristan?" tanong nya kaya napatigil ako sa pagkain ng ice cream. "Sorry.." sabi niya.


"No.. Hindi mo kasalanan.. Ayoko lang talagang marinig o makita siya.."


"Ahh.. kaya pala.." sabi nya. 


"Kasi kung patuloy ko pang iisipin yon.. baka mas lalo ko lang masira yung buhay ko dahil sa kanya..."


"Sa maling tao ka lang nagmahal... Hindi mo naman kailangang sirain ang buhay mo ng dahil sa isang tao.. May paraan pa para kalimutan sya.."


"Ano naman yon?" tanong ko.


" Magsimula uilit ng bago.. Bagong pamumuhay at mga bagong tao na hindi magpapaalala sa kanya.."


"Galing mo rin magpayo eh.. Naranasan mo na ba?"


"Ang alin?" tanong nya.


"Ang maipit sa ganitong sitwasyon.."


"Hindi pa.. Pero kung mangyari sakin yon.. Na mahal ko sya tapos hindi nya ako mahal... Baka palayain ko na lang sya ng tuluyan.."


"Wow.. Kaya mo yon?"


"Kakayanin kahit mahirap.."


"So yon dapat ang gawin ko?"


"Na sa iyo yan.."


"Siguro nga.."


Sumandal na lamang ako sa sandalan ng bench.. Pag ganitong bagay mahirap talagang isipin na kaya ko ito..

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon