Kabanata 56

243 5 0
                                    



Hai ulit! Mayroon lamang mga pagbabago sa bawat chapter ng story na ito. Ito na yong major revision na gagawin ko. Although still major editing pa rin ang TPWH. Unedited. I haven't proof read this story. Hope maintindihan nyo pa rin. But I won't delete or unpublished this story para mabasa ninyo pa rin. Hope yah understand guys! Lovelots! Number 1 tayo sa ranking! Ayieeh!

Sincerly,

Ai <3

ENJOY READING!

P.S. Pakihintay na lang ang story ni Jake, Erika at Jaicelle. Soon. (wink)

**************************************************

Kabanata 56

His Realizations

Tristan

Ilang linggo na ang nakalipas pero wala parin akong naririnig na balita galing kay Shine. Nagalit pa sa'kin si Lyn dahil kasalanan ko daw kung bakit hindi na nagpakita pa si Shine.

What the heck? Bakit ba sila galit sa'kin? I try to talk to her, pero nagmatigas sya. She don't even try to hear my side. She just walked away.

Tumambay na lamang ako sa court. Nag iisip kung saan ba sya nagpunta. Naisip kong puntahan si Jake. Baka sya may alam kung saan sya. Tsk. Bakit ko gagawin 'yon e-. Aish naman oh! Naguguluhan na talaga ako.

Nang makita ko si Jake na nakatayo kasama 'yong ibang mates nya. Nilapitan ko sya. Naba-bakla ako dahil parang nahihiya pa ako. Gusto ko lang naman malaman kung safe ba si Shine.

"Pare," Lumingon sa'kin si Jake. Napansin kong ang sama ng tingin nya sa'kin. Gago pa la 'to e. Ako na nga ang lumapit.

"Sandali lang ah.." paalam nya sa mga mates nya.

"Anong kailangan mo?" tanong nya.

"Gusto kong malaman kung saan mo dinala si Shine." Teka. Parang mali yung pagtatanong ko. Shit naman oh!

Nagulat ako sa ginawa nya. Dahil hindi ko akalain na susuntukin nya ako. "Gago! Anong problema mo?!" Napahawak ako sa gilid ng labi ko kung saan nya ako sinapak.

"Problema ko?! Ikaw! Ba'kit ba kasi dumating ka pa sa buhay nya! Lalo mong pinagulo 'yong sitwasyon..!"

"Ano bang kasalanan ko? Tinatanong ko lang kung nasaan si Shine."

"Gusto mong malaman kung nasaan sya?.. Pumunta s'ya ng States. Pumunta s'ya do'n dahil sa'yo.."

Nagulat ako. Dahil sa'kin? Ano ba talagang ginawa ko?

"Ang manhid mo kasi.. Alam mo pare, iisipin kong wala ka talagang pakiramdam. Kasi hindi mo nararamdaman 'yon. Wala kang pakialam kung may nasasaktan ka o wala.. Ang sa'yo lang.. basta may kaibigan kang masasandalan.. Ang gago mo kasi.. Kaya ngayon.. Magsisi ka.." Tuluyan nang umalis si Jake. At nag iwan pa sya ng pasa sa labi ko. Ang gago talaga. Kasalanan ko pa pala kung bakit sya umalis.

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari. Ilang beses ko ng tinatanong ang sarili ko kung

bakit. Ano bang mali sa'kin? At mas pinili pa nyang maghanap ng iba. Kulang ba ang binibigay

kong pagmamahal sa kanya? At nagawa nya akong ipagpalit.

Sa mga bagay na ganito, natanong ko rin sa sarili ko na.. Si Shine kaya? Kulang din ba ang

binigay kong atensyon at ganon na lamang ang naging reaksyon nya at mas pinili pa nya ang

lumayo.

Nanatili lang akong nakaupo dito sa may bleachers ng court. Naghihintay ng sagot. Aish! Kung

sagot man lang wala akong makukuha kung uupo lang ako dito.

Naisip kong magpunta ng apartment ni Shine. Alam kong hindi ako pwede do'n dahil nga hindi

naman ako ang nakabili no'n.

Nang makarating ako, sinalubong ako ni Ate Lynda. Yong namamahala sa mga apartment dito.

"Tristan., Napadalaw ka." Panay ang linga ko sa pinto ng apartment ni Shine. Mukha atang

napansin yon ni Ate.

"Ah.. Hinahanap mo Si Shine?" tanong nya. Tinignan ko sya. Mukhang pati sya wala din alam

kung nasaan ba si Shine.

"Alam nyo ho ba kung nasaan sya?" tanong ko. Umiling lang sya.

"Ay naku!.. Umalis na sya dyan. Pero ang bilin nya, Ipakuha ko daw kay .." sandali syang nag-

isip. "Sino nga ba 'yon?"

"Ako nga ho yon." Kahit alam kong walang sinasabi sa'kin si Shine.

"Ah! "Yong ilang gamit daw nya. Iniwan nya. Ikaw na lang magkuha ha?" May inabot sa'kin na

susi si Ate. "Oh Heto yong susi, Ikaw na bahala ha?" Hindi na nagsalita pa si Ate Lynda at

bumaba na sya ng hagdan.

Tinitigan ko lang ang susi na hawak ko.

Parang ayaw ko, pero baka dahil dito may makuha akong sagot sa mga tanong ko.

Binuksan ko ang pinto ng apartment nya. Pagbaling ko ng tingin sa table nya, nakita ko ang

isang notebook na na naroon. Lumapit ako at kinuha ko ito.

Parang kabado pa akong tignan ang laman non.

Pagbukas ko nito..

Shit. Ano 'to?

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon