Kabanata 36

389 7 5
                                    



Kabanata 36


Shine


Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, gusto kong tumayo at lumayo sa mga tanong na maaring makapagpagalit sakin. Ayokong magalit or what. Pero pinilit ko talagang kalimutan lahat ng galit na naramdaman ko. And it's been three years, dapat mag-move on na tayo. 

"Iwan ko muna kayo." Lyn said. "Hindi ko alam na andito sya." hindi ako tumingin kay Lyn at napayuko na lamang ako dahil nahihiya talaga ako sa nangyari.

Lumapit sya sakin matapos makaalis si Lyn. Pinakiramdaman ko muna siya bago ako nagsalita.

"What do you want.." tanong ko. Humugot ako ng malalim na paghinga saka ko naramdaman na parang naiilang syang makipag usap sakin.

"I just wanna say sorry, Hindi ko agad-" bago pa nya ipagpatuloy ang sasabihin nya tinapos ko na agad sya.

"Please lang." And this time, hinarap ko na sya para makausap ko sya ng maayos. "Tama na yon. It's been three years, Jake. Sa lahat ba naman ng bagay na ayaw kong maalala e pinaalala mo pa yong nangyari noon." I said.

"Pinilit kong kausapin ka. Pero ayaw mong makipag usap. Alam mo bang ang dami kong gustong sabihin sayo noon?. Isa na 'to, gusto ko rin na humingi ng sorry, but-"

"Ang dami mong chance para sabihin sakin kung ano ang totoo, pero hinayaan mo na malaman ko kay Jaicelle ang totoo."

Halatang nagulat sya sa sinabi ko dahil pakiramdam ko, hindi nya talaga sinadya na si Jaicelle ang magsabi sakin.

"Nagulat ka ba?" sa tono ng pananalita ko parang gusto ko pa na ganito ang reaksyon nya. Pero ang mas kinagulat ko ay ang pag-ngiti nya.

"Hindi mo talaga naiintindihan lahat.." sabi nya. Huminga akong malalim at nagsalita. Halatang may plano sya na mangyari yon. Was he did that? Huh?

"What do you mean by that?" tanong ko. Hindi pa rin naalis ang ngiti nya at inaamin ko, mas lalong naging gwapo sya. "Ano bang sinasabi mo na hindi ko naiintindihan?."

"Alam ko na talaga na sasabihin yon ni Jaicelle. Pero kahit pigilan ko sya, hindi ko naman alam na itutuloy nya." nagulat ako sa naging pahayag nya. Kaya naman bigla bigla ang naging pagkainit ng ulo ko. Parang umabot sa dulo.

"Ginagawa mo ba akong tanga?" Hindi ko hinayaan na magsalita sya kaya tumayo na ako. Sinundan naman nya ako. 

"Nagagalit ka kasi hindi ko sinabi sayo yong totoo." Tumigil ako at ganun din sya, humarap ako sa kanya at huminga ako ng malalim.

"Oo, nagagalit ako dahil hindi mo sinabi agad, Nagagalit ako dahil bumalik pa ako dito, At mas nagagalit ako sa posibilidad na maari kaming magkita."

"Lumabas din ang totoo, Sakin mo lahat binubuhos ang galit mo."sabi nya. "Shine, matagal na yon. Bakit hindi na lang natin kalimutan yon?"

"Maaring napatawad na kita, pero pag naiisip ko na dahil sa inyo kaya nawala ang magulang ko. Do'n ako naiinis. Kahit gustuhin kong magbago, bumabalik yong pait. Bumabalik lahat."

"Pati ba ang pagmamahal mo sa kanya?" Nag-strike sa'kin ang sinabi nya. Napahinto ako at napayuko.

"I really don't know.." taging nasabi ko lang at tuloy tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko. Nasasaktan pa rin ako. Does it mean.. No, I won't let this happen.

"Hindi mo alam dahil yon ang totoo."

"Ano bang alam mo sa nararamdaman ko?"

"Yan na ba ang nangyari sayo pagkatapos ng tatlong taon?" Pumikit ako at yumuko.

"Hindi ko alam Jake. Sa totoo lang, natatakot akong bumalik dito. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. " Muli ko syang tinignan at kitang kita ko na talagang concern pa'rin sya sa'kin.

"Gaya pa rin ng dati, tutulungan ulit kita." Alam ko naman na ginagawa lang nya ito para mas maging comfortable ang lahat. Kasi kung paulit-ulit kong bibilangin ang ginawa nya sa'kin, baka kung ano pa masabi ko.

"Tapos ano?.. Ayoko naman magkaroon ulit ng utang na loob."

"Shine, hindi kita sinisingil sa lahat ng ginagawa ko para sa'yo. Kusang loob kong ginagawa 'to para sa'yo. At wag mong iisipin na may kapalit lahat."

"Tigilan mo na lang, dahil ayokong makasakit ulit. Alam ko. Alam kong nasaktan kita no'n. Kaya nga simula no'n-"

"Alam mo?" Nagtatakang tanong nya. Yumuko ako. Oo, alam ko dahil simula no'ng umalis ako naramdaman ko na. At do'n ko lang napatunayan lahat ng sabihin sakin ni Jaicelle.

Tumingin ulit ako sa kanya. "Oo, alam ko na. At kaya nga hindi na ako nagpakita sa'yo dahil ayokong-"

"Alam mo pero hindi mo sinabi,"

Dahan dahan akong yumuko. "Ayoko ng pag usapan 'to." Hindi na ako tumingin sa kanya at tumalikod na lamang ako.

Pero mukhang lalo akong magugulat sa makikita ko. Andito sya. Ito na ba ang ayaw kong mangyari e. Ang makita kong muli sya.

Mukhang mas magiging mahirap ang lahat ng ito.

Tinignan ko sya. 

Shit. Tama nga talaga. It's all coming back. The moment na yumuko ako, do'n na bumagsak ang mga luhang tinatago ko this past three years.



Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon