Kabanata 10

578 13 2
                                    


Kabanata 10


Gusto ko agad syang habulin at sabihing okay na ako sa lahat maiintindihan ko naman kung gugustuhin nya yung ganito. 

Pero siguro mas makakabuti na lang para sa lahat na wag na lang kami magkita pang muli. Sya na kasama ko sa buong buhay ko at halos muntik ng maging dahilan ng katangahan ko. No. Tanga na pala ako simula ng mahalin ko sya. 

Siguro ganito lang ako pag nagmahal. Sobra sobra.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at hinayaan ko na lang na umalis sya ng ganun sa harapan ko.


*****


Kinabukasan pagpasok ko hindi na maganda ang mga nakikita ko. Lalo na ang mga estudyanteng walang magawa kundi ang mag-chismisan na lamang. Just like before na magkasama kami but I think naninibago sila dahil sa hindi na kami laging magkasama.


Mga tao talaga, walang magawa sa buhay kundi ang pagusapan ang iba. Will they spare my life? Tsk. As if I would please them.


"Hey Shine.." Huminto ako sa paglalakad dahil alam kong gusto akong kausapin ng taong ito.


"What?" tanong ko. Lumapit  sya sakin huminto sya sa harap ko.


"Gusto sana kitang makausap.." sabi nya.


"Sige.." Lumalabas nanaman ang pagka-b*tch ko pag mga ganitong usapan.


"About Tristan Right?" tanong ko.


"Oo.."


"Sabi ko na nga ba.." bulong ko.


"Ano yun?" halatang naiinis na sya sa kilos ko. Bakit? Hindi ba sya sanay na mabait ako at iba na ako ngayon? Well, people change.


"Wala.. Kung may itatanong ka.. Go on..." sabi ko.


"Gusto kong sabihin na.... Si Tristan na ang may gustong mabalik yung dating pagsasama nyo.. Pero I think hindi na kailangan ni Tristan na magmakaawa sayo.. Because hindi na ikaw yan.."


"Well.. Kaya lang naman ako ganito dahil wala naman ako sa mood makipag usap.. "


"Sinasabi ko ito para kay Tristan.."


"Hindi ko hinihinging gawin mo yan... Lumalayo na ako sa inyong dalawa, pero pinagpipilitan nyo parin na maibalik namin yung dati.. Hindi na mangyayari yon Erika, kasi nagkalamat na.. If you excuse me. Mauuna na ako.."


Akma na akong lalakad palayo pero may sinabi sya na talagang ikinainis ko ng sobra.


"Kasi mahal mo sya.." sabi nya.


I took a deep breath. 


Hinarap ko syang muli at nakita kong talagang hindi na maganda ang itsura ng mukha nya. Nage-enjoy pa akong makita ang mukha nyang yan.


"Wala ka ng pakialam sa kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.. He's my bestfriend Erika.. At kinuha mo sya mula sakin.."


"Hindi mo sya pagma-may ari para ipagdamot sa iba..!" napasigaw na talaga sya. Exciting. Haha.


"Nagsasayang ka lang ng oras sa mga tanong mo na yan.." sabi ko


Tinalikuran ko na sya pero nagulat ako ng sampalin nya ako.


Kaya bilang ganti sinampal ko rin sya ng malakas. At kita ko ang pamumula ng pisngi nya.


"Sa susunod na gawin mo yan Erika, Hindi lang yan ang gagawin ko sayo.. Pasalamat ka.."


"Ano?!" sigaw nya sakin.


"Alam mo tigilan mo na yang kakaganyan mo kasi... wala kang mapapala.." After kong sabihin yon umalis na ako at nakita kong marami ng taong nakatingin sa kanya.


Mag ingat kasi sya, Akala mo kilala na nya talaga ako. Maybe this is my way of...


*********

Mukhang nagbago na ang dating martyr para sa pag ibig. :)

Thanks to MxsNhineTail sa pag-support sakin..


Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon