Kabanata 5

667 14 3
                                    


Kabanata 5

Hindi na nga nagpakita sa akin si Tristan sa mga sumunod pang mga araw. Okay na rin iyon para makapag move on naman ako.

Ito ang twist ng buhay, eh. 'Yung mahal mo ay may mahal na iba. Hindi talaga fair kapag pagdating sa pag ibig. Minsan kung sino pa yung gusto mo ay hindi ka naman gusto. at kung minsan ay kung ano pa ang sa tingin mong para sa iyo ay hindi pala.

Habang naglalakad ako sa corridor ng hallway ay lumi-linga ako sa bawat room na nadadaanan ko.

Pakiramdam ko kasi ay may hinahanap akong tao. Hindi ko naman alam kung ano iyon.

Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking bag.

Mabilis kong sinagot ang tawag ni Lyn.

"Oh? Bakit?"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Saan ka ngayon?"

"Ito naglalakad. May klase ako, eh. Bakit?"

"Wala naman. Akala ko kasi kung nasaan ka na naman."

Nang makarating ako sa room ay naupo ako sa aking upuan habang kausap parin sa kabilang linya si Lyn.

"Uy, May klase na ako, eh. Kita na lang tayo mamaya ah?"

"Okay. Ingat ka bebe."

"Okay, Ikaw rin." natatawang sabi ko.

Nang pinatay ko na ang tawag at hinihintay na alng na dumating ang professor ay naisipan kong magbasa muna ng mga previous notes dahil baka may pa-surprise quiz si Ma'am.

Inabot ako ng fifteen minutes nang may umupo sa tabi ng aking upuan.

Hindi ko nagawang lumingon o sumulyap.

"Napakasipag mo naman." Lumingon ako sa aking katabi.

"Jake." Ngumiti siya sa akin.

"Ngayon lang kita nakita sa subject na philosophy, ah."

"Ah. Na-late ako ng kuha sa subject na ito. Kaya ito, humahabol. Mabuti at hindi pa nagsisimula ang prelim exams."

"Oo nga, eh." sagot ko.

"Oo nga pala, ito oh. May mga notes na kasi agad si Ma'am." Iniabot ko sa kanya ang aking filler.

"Mabuti na lang pala ikaw ang kilala ko sa subject na ito."

Habang nagkukuwentuhan kami ay siya namang pagdating ng aming professor. Nagkakatinginan kami ni Jake sa tuwing may mga alam kaming isasagtot sa tanong ni Ma'am Dimaano.

"Get one and pass." ani Maa'am.

Tama nga ang hula ko, nagpasurprise quiz si Ma'am.

Nang nasa panghuling number na ako ay napasulyap ako kay Jake na tutok sa pagsagot.

"Ms Ramirez." ani Ma'am.

Mabilis akong tumayo.

"Y-yes, Ma'am."

"Are you cheating on Mr Arellano?"

"No, Ma'am." Yumuko ako.

Hindi ko inaasahan ang ganito.

"You may sit down." Umupo ako at tiningnan si Jake na tapos na sa pagsasagot. "Pass your papers now."

Nang maipasa namin ang mga papers ay umalis na ng room si Ma'am Dimaano. Tumingin sa akin si Jake.

"Okay ka lang?"

"Yeah. Nagulat lang na akala ni Ma'am ay nagongopya ako sa iyo."

"Tara na?"

Tumayo ako at kinuha ang aking bag. Sabay akming lumabas ni Jake ng classroom.

Habang naglalakad kami sa hallway ay nakita ko si Tristan at Erika na nag uusap habang magkahawak sila ng kamay.

Iniwas ko ang aking tingin roon. Kahit paano pala ay may kaunting kirot akong nararamdaman.

"Okay ka lang?" Si Tristan.

"Oo, okay lang." Pero hindi. At hindi ko alam kung kailan ako magiging okay. 

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon