Kabanata 25

388 9 3
                                    


Kabanata 25


Nagpaiwan muna ako at naghintay na lamang si Jake. Wala akong dalang bulaklak para sa kanila. Siguro naisipan ko lang na dalawin sila bigla. Dahil kung mga ganitong bagay lagi akong may dala para sa kanila.


Umupo agad ako sa tabi ng puntod nila Mama at Papa. I really miss them so much to the point na parang gusto ko na rin sundan sila para magkasama na kami. Tsk. Mabuti na nga lang bago ko gawin ang isang bagay na maaaring pagsisihan ko hindi natuloy.


"Hi Ma, Pa.." pasimula ko. "Kumusta na po kayo?.. sobrang miss ko na po kayo.. Yung kasama ko po, hindi ko muna pinapunta dito.. Mamaya po.. Ipapakilala ko sya sa inyo.. Pero hindi ko po sya boyfriend ha?.. Baka po isipin nyo yon.." sabi ko.


"Si Tristan, Hindi na po kami nagkakausap.. Mukhang malabo pong mangyari yon.. na magkakayos kami.. Kasi iba na po ngayon.." sabi ko.


"Andito ka rin pala.." Nilingon ko yong taong nagsalita mula sa likod ko. Nakita ko si Tristan. Tumabi sya sakin at nilapag nya yong dala nyang bulaklak para kina  Mama.  Hindi ko na sya nilingon pa dahil alam kong may sasabihin lang sya.


"Ngayon ka lang yata dumalaw sa kanila.." sabi nito. Ano bang pakialam nya kung ngayon lang ako nakadalaw?


"Bakit kasi pag ayaw kita makita, lagi kitang nakikita.." bulong ko. Pero alam kong narinig nya yon. Tsk.


"Hindi ko rin alam.. Pero alam kong may dahilan lahat.." sabi nya. Tumayo ako at lumayo ng konti sa kanya.


"Babalik na lang ako pag wala ka na.." sabi ko. Hindi pa ako nakakalakad pero nagsalita sya upang hindi ko simulan ang umalis.


"Sige na.. Tanggap ko nang ayaw mo na akong makausap.." sabi nito.


"Babalik na lang ako.." Naglakad na ako. Pero bago akong makalayo sa kinatatayuan nya, lumingon ako sa kanya. Kainis naman, Kung bakit kasi nangyayari yong mga ganitong bagay..


****


Nakita kong nakaupo si Jake sa may bench kung saan sya nagpaiwan. Tumabi ako sa kanya.


"Okay ka lang ba?" tanong nya. Huminga ako ng malalim at sumandal.


"Hindi ko alam.." tugon ko. Pinatong ko yong dalawang kamay ko sa may lap ko. Naramdaman kong naghihintay ng sasabihin ko si Jake. "Nakita ko kasi sya e.." Pagtukoy ko kay Tristan..


"Si Tristan.. Tama ba?" Napatingin ako sa kanya.


"Alam mo?" tanong ko. Sumandal rin sya gaya ko.


"Nakita ko sya kanina.. Hindi ko na lang sya kinausap.. Dahil baka kung ano masabi ko sa kanya.." sabi nya. Tumawa ako ng mahina..

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon