Kabanata 54

378 7 4
                                    


Kabanata 54


"Bilisan mo naman mag-ayos diyan!" bulyaw sa akin ni Lyn.

"Oo na!" final retouch na ang ginagawa ko sa aking mukha pero panay ang suway sa akin ni Lyn na bilisan ko raw.

Nang matapos akong mag-ayos ay hinablot ko na ang aking bag at nagmadali na akong lumabas ng bahay.

Ngayon kasi ang uwi ni Tristan from Cebu dahil sa isang business meeting at sasalubungin ko siya ngayon sa airport.

Habang nasa biyahe ako patungong airport ay hindi ko talaga lubos maisip na ganito ang mangyayari sa amin. Ang dati akala ko ay hindi rin magiging kami ni Tristan.

Nang makarating ako sa airport ay nagtungo agad ako sa arrival area. Kada may lumalabas ng mga pasahero ay parang nae-excite akong makita siayng muli. Halos dalawang buwan kaming hindi nagkita at mga calls lang at video chat.

"Babe!"

Nilingon ko kung saan naggaling ang boses na 'yon at nakita ko si Tristan na nakangiting naglalakad palapit sa akin.

"I miss you, babe."

Habang hinihila niya ang kanyang maleta ay niyakap niya ang aking tagiliran. Naglakad kami at niyakap ko rin ang kanyang tagiliran gamit ang aking kaliwang kamay.

"Kumusta naman ang business meeting mo roon?"

"Okay naman. By the way, Sobra kitang na-miss." ani Tristan.

"Oo na. Sinabi mo na 'yan kanina."

Nang nasa tapat na kami ng aking sasakyan ay binuksan niya ang compartment at doon niya inilagay ang kanyang maleta at duffel bag.

"Alam mo ba, nakita ko roon si Jake. Nagba-bakasyon  siya roon."

"Talaga? Ano ang sabi niya?"

"Doon raw muna siya ng isang buwan."

Lumapit muli sa akin si Tristan at niyakap ako.

"Let's have a vacation." suhestyon niya.

"Paano ang trabaho mo?"

"I'm on leave. Tapos na naman ang business trip ko kaya magba-bakasyon tayo."

"Gusto ko 'yan." may ngiting sabi ko.

"Gusto mo?" may pilyong ngiting gumuhit sa labi niya.

Kinurot ko ang kanyang tagiliran.

"Umuwi na nga tayo." natatawang turan ko.

"Alright."

Binuksan niya ang passenger seat para sa akin at nang makaupo ako ay umikot siya sa driver's seat.

Ipinagpahinga ko ang aking mga palad sa aking hita.

Nang pina-andar na ni Tristan ang sasakyan ay napasinghap ako nang kunin niya ang aking kaliwang kamay at hawakan 'yon habang nagmamaneho.

"Mamaya mo na hawakan ang kamay ko."

Sumulyap ako sa kanya. Ngumiti lang ito.

"I just miss this."

Nang nasa kalagitanaan kami ng biyahe ay napansin kong hindi ito patungo sa bahay.

"Saan tayo papunta?"

"Basta. May ipapakita ako sa iyo."

Kumunot ang aking noo.

"Saan nga?"

"Secret." ngumiti ito at hinalikan ang aking kamay.


Mahigit isang oras kaming nasa biyahe nang huminto ang sasakyan sa isang open space kung saan makikita mo ang buong syudad. Ang city lights.

"Wow."

"You like it?"

Madilim na pero may mg mangilan-ngilan na lamp post sa paligid.

"And ganda, Tristan."

"Mas maganda ka."

"Bolero."

Naramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran at niyakap niya ako.

Ipinag-pahinga niya ang kanyang mukha sa aking balikat.

Mas humigpit ang yakap niya sa aking nang humangin at dumampi sa aking balat ang lamig ng hangin.

"I love you," aniya.

Ngumiti ako at hinaplos ko ang kanyang buhok.

"I love you, too."

Huminga ako nang malalim at inalala ang mga nangyari sa nakaraan.

"Alam mo Tristan, hindi ko inakala na aabot tayo sa ganito."

"I'm sorry for not realizing it sooner. Umabot pa sa punto na kailangan mong mawala sa aking tabi bago ko ma-realize ang totoo kong feelings para sa iyo."

"Kung hindi pala ako umalis noon, hindi mo talaga mare-realize ang lahat?"

"Siguro?"

Bahagya akong natawa.

"Alam mo bang plano ko na ang kalimutan ang nararamdaman ko sa iyo nang bumalik ako ng states.."

"It really matters to you, huh?"

"Tinampal ko ang kanyang braso.

"Oo kaya!"

"Don't shout."

"Sungit mo naman."

He chuckled.

"Tristan,"

"Hm?"

"Thank you,"

"For what?"

Inalis ko ang kamay niya sa aking baywang at hinarap siya.

Ikinulong ko ang kanyang mukha sa aking palad.

"For loving me,"

"And I'll always love you no matter what."

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa aking noo.

Alam kong sa mag susunod na mga oras at araw na magkasama kami ay hinding-hindi namin iiwan ang isa't-isa. Because love is the most powerful feelings we have for each other.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon