Kabanata 11

555 13 3
                                    


Kabanata 11

 Pagkatapos ng matinding sagutan namin ni Erika ay agad na nag init ang ulo ko dahil sa mga pinagsasabi nya tungkol sakin at sa pagkakaibigang meron kami ni Tristan.

Ang lakas din ng loob nya para sabihin sakin yon. Okay fine.. Ako na ang bitch na kilala nyo. Maari ngang mabait ako noon, pero iba na ngayon. Lahat ng bagay o tao nagbabago once na mahurt ng sobra. At yon ang totoo. Nagbago na ako.


Ayokong magpakaplastik at sabihin na okay lang ako sa ganon. The truth is not.


"Alam mo bang kalat na kalat na sa buong campus ang nangyari sa inyo ni Erika?" Ang bilis talaga ng balita. Akalain mong mga ilang minuto lang yon pero alam na ng lahat ng nasa campus? 


"Hayaan mo lang sila.. Alam ko namang titigil din yan sila sa pag usisa tungkol dyan.." sabi ko na lang. Umupo na lamang ako sa tabi ni Lyn. Tapos hindi na lang ako kumibo. Wala akong oras para isipin yon..


"Ano ba nangyari sayo Shine..? Parang habang tumatagal lalo kang nagbabago ngayon.. May problema ba?.."


Binaba ko yung dala kong gamit sa table at kinausap ko ng maayos si Lyn.


"Problema?.. Sila lang naman ang may problema sakin.. Wala akong pakialam sa kung anong gusto nila... Gusto nya ng gulo?.. Di pagbibigyan ko sya.."


"Hay.. Balik nanaman tayo sa isyong yan Shine eh.. Hindi na matapos-tapos.."


"Hindi talaga matatapos kung hindi rin nila tatapusin.."


"Bahala ka nga Shine.. Malaki ka na.. Basta ako payong kaibigan lang ang gagawin ko.. Sana lang.. Hindi mo pagsisihan yan.."


"Never kong pagsisisihan ito.. Sila naman ang naging dahilan kung bakit ako naging ganito.."


"Basta kahit na.." sabi na lang ni Lyn at hindi na sya muling kumibo pa. 


"Wala naman akong hinihinging kapalit.. Pag unawa lang naman ang gusto kong mangyari.." sabi ko sa kanya. Pero mukhang pati si Lyn ayaw ng makinig sa mga paliwanag ko. Tumayo na lamang ako.


"Hahanap na lang ako ng matinong makakausap.." sabi ko. Then umalis na ako at nag lakad lakad. Wala akong katiyakan kung saan ako pupunta. Pero siguro mas better kung mag isa na lang muna ako dahil ayokong makarinig ng complain sa mga gagawin ko..


Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon