Kabanata 27

389 12 0
                                    


Kabanata 27



  Pakiramdam ko pinipigilan ako ng panahon na umalis ng bansa. Parang mas gusto pa nya na dito lang ako. Maliban na lamang kung may pipigil sa'kin na umalis ako. Pero mukhang wala, kasi kung iniisip ko na aalis ako, ang dami kong maiiwan. Pero ako naman ang pumili nito kaya dapat panindigan ko na. Tutal ginusto ko ito.

"Oh, Bakit ang lungkot mo dyan?" tanong ni Jake. Oo na, kasama ko nanaman s'ya ngayon. S'ya kasi may gusto na samahan n'ya muna ako dito. Sabi n'ya. Dapat daw sinusulit n'ya na kasama n'ya ako. Kunwari pa s'ya pwede naman s'yang sumunod kung gusto n'ya.

"Pwede ka namang pumunta doon, ah. Kung gusto mo." sabi ko.

"Gustuhin ko man, hindi naman pwede. Alam mo naman na kailangan kong tapusin itong course ko. 'Di ba?"

Sumimangot tuloy ako sa naging pahayag nya. Para tuloy ayaw n'ya na kasama ako. Pero naintindihan ko naman yung reason n'ya na kailangan nga n'yang tapusin ang pag-aaral nya.

"Sige na nga. 'Wag na lang natin pag usapan yung pag alis ko. Lalo akong nalulungkot dahil pinaalala mo naman." sabi ko. Tumawa sya nang mahina.



  "'Wag mo na lang intindihin 'yon. May oras ka pa para mag back out." Kasabay nito ang pagtawa n'ya.

"Hindi nga. Kailangan ko rin ito. Para makapagsimula ako ng bago." Tugon ko.

"Escaping from the pain is not the solution. Harapin mo."

"Wow ha? Parang ikaw na ang pinakamagaling na magbigay ng advice." tugon ko. "Ikaw na talaga Jake. Kaya idol kita, eh." Tumawa ako sa nagging pahayag ko.

"Totoo 'yon. 'Wag kang tumawa dyan." sabi n'ya. Pinatong n'ya ang kanyang braso sa balikat ko. "Malay mo makita mo ako doon." Tumingin tuloy ako nang seryoso sa kanya.

"Pupunta ka?" masayang tanong ko.

"'Wag ka muna magdiwang. Hindi pa ako sure doon." sabi nya.

"Ano ba 'yan, akala ko pupunta ka."

"Basta hindi pa ako sure."

"Baka umasa ako, ha."

"'Wag ka munang umasa. Hindi pa ako pupunta.."

Hinawi ko ang mga buhok ko na napunta sa mukha ko. "Nga pala, Magtatagal ka ba doon?" tanong n'ya. Napakunot noo ako sa tanong n'ya. Huminga ako ng malalim upang maibsan ang lungkot na nararamdaman ko. Nalulungkot talaga ako, 'pag naiisip ko na aalis ako.

"Hindi ko alam, eh. Baka oo? Or, maybe mgaone year?" sabi ko. "Pwede rin na doon na kami tumira ni Tita." sabi ko. Napasandal tuloy si Jake sa naging sagot ko.


"Magtatagal ka nga." malungkot na wika nya.

"Hindi pa naman sigurado 'yon. Kaya 'wag ka muna malungkot, okay?" Hinagod ko yong likod nya. Para syang bata kung magtampo.

"Hindi na ako malulungkot okay?" sabi n'ya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Parang ayaw ko na tuloy umalis." sabi ko. Pero syempre tuloy pa rin 'yong pag alis ko. Si Tita 'pag 'yon may gusto, baka kung ano na 'yong sabihin nya.

Narinig ko na may binulong si Jake, kaya tumingin ako sa kanya.

"Ano yon?" pagtukoy ko sa binulong nya. Ngumiti lang s'ya at sinabing wala lang 'yon.

Nakapagtataka 'yong mga sinasabi n'ya na parang may kahulugan. Dapat ko bang bigyan ng meaning 'yong mga sinasabi n'ya?

Pagkatapos naming mag usap ni Jake pinuntahan ko naman si Lyn. Ito kasing si Lyn gustong magpasundo sa kabilang building. Alam naman n'ya na malayo 'yon dito sa building namin. Nakakatawa nga, dahil sinasabi na n'ya sa mga naging friends namin last semester na aalis ako. Pero sabi ko 'wag n'ya ipagkalat dahil ayokong malaman ng iba. Lalo na s'ya. Alam nyo na siguro 'yong tinutukoy ko.



Hindi pa ako nakakarating sa building nila, parang hindi normal 'yong pangyayari ngayon. Maaring malaki nga itong university, dahil 'yong iba dito walang pakialam kung may gulo man o wala.

Nakita kong nakaupo si Erika sa arm chair kung saan s'ya may klase. Wala na akong pakialam sa kanila. Pero bigla kong naisip 'yong nakita ko na may kasama s'yang ibang lalaki. Ayoko ng makialam dahil baka ako nga magmukhang masama sa paningin nila. Napahinto ako at napasilip sa bintana ng room.

"Looking for someone?" Isang pamilyar na tao ang nagsalita. Tinignan ko ito at hindi na ako nabigla dahil kilala ko na talaga s'ya.

"Hindi, may hinihintay ako dito. At wala akong hinahanap." Sabi ko.

"Kung ganon, bakit ka nasilip dyan?" Tukoy n'ya sa pagsilip ko sa bintana..

"Erika pwede ba? Ayoko na makipag away. Aalis na nga ako-" Napahinto ako dahil sa sinabi ko.

"Aalis ka pala. So, totoo pala 'yong kumakalat na chismis na aalis ka nga. I think, dahil yan kay Tristan?"

"Hindi ito tungkol sa kanya." saad ko.

"Okay. I should go." Lalakad na sana s'ya pero nagsalita ako kaya huminto s'ya.

"Ikaw nang bahala sa kanya." bilin ko.

"I know. At dapat lang na-"

"Pero malalaman din n'ya 'yong pinaggagawa mo.Aalis ako at hindi ko sasabihin na niloloko mo lang s'ya." sabi ko. "Pero habang maaga pa. Galingan mo na ang pagtatago mo."


"Wala kang alam." Depensa niya.

"Oh really? Then ipaliwanag mo 'yong nakita ko."

"Bakit ako magpapaliwanag?"

"Good luck na lang." Those were the last word na sinabi ko at tuluyan ko na s'yang tinalikuran. Kung sabagay, mukha naman syang patapon. Hinihiling ko na lang na malaman din 'yon ni Tristan. 

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon