Kabanata 13

502 12 1
                                    


Kabanata 13

Nang makauwi na kami ni Jake, hindi ko na sya tinanong kung gusto nya munang magpahinga. Dahil kahit ako pagod na rin buong araw. Inabot ko sa kanya yung helmet nya. Dahil sya na ang nag-insist na ako na ang magsuot ng helmet nya.


"Salamat ngayong araw, Jake, ha. Sobra kong na-appreciate 'yung effort mo para mapasaya lang ako." sabi ko. Ngumiti ako sa kanya.


"Wala yun sa akin, Shine. Basta para sa iyo." he said. Ngumiti siya sa akin.


"Ahm. Sige. Pasok na rin ako, ah. Mag-ingat ka na lang.." sabi ko. And again, ngumiti ako sa kanya.


Lumakad ako papunta sa hagdanan para makapasok ako sa loob. Pero bigla naman akong tinawag ni Jake.


Walang reaksyon akong lumingon sa kanya.


"Bakit?" tanong ko matapos ko siyang harapin.


"Wala. Sige. Magpahinga ka na lang." sabi niya. Ngumiti sya sa akin at mabilis niyang sinuot ang helmet niya. At mabilis din siyang umalis sa harapan ko.


Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at agad akong umakyat papunta sa apartment ko.


Kinabukasan nagmadali akong pumasok dahil sa mga tanong na gumugulo sa isip ko. Kahit naman siguro siya ayaw na niyang  mag-usap kami. Well, kahit ako ayaw ko na ring balikan pa 'yung tungkol sa aming dalawa. Siguro bahagi na lang 'yon ng nakaraan. Ang mahalaga 'yung ngayon at hindi 'yung kahapon.


"Shine.." Nakangiting bati sa akin ni Lyn. Oo nga pala, parang iba yata 'yung aura niya ngayon. Sumabay siya sa paglalakad sa akin.


"Ano namang bago sa iyo?" tanong ko. Tumingin ako ng seryoso sa kanya.


"Wala naman.. Hindi ka na ba niya ginugulo?" tanong niya sa akin. I sighed. 


"Hindi na. Baka napagod nang kulitin at kausapin ako." sabi ko.


Hinawi ko 'yung mga buhok ko na hinahangin mula sa mukha ko at nilagay ko ito sa likod ng aking tainga.


"Maybe sinabihan siya ng girlfriend niya na tumigil na siya.." sabi nito. Kaya saglit akong tumingin sa kanya.


"Hayaan mo sila.. Wala na akong pakialam kung anong gusto nila.. " sabi ko. Pero mukhang mali yata ako dahil huminto sila sa tapat namin ni Lyn. Dahilan upang mapahinto kami ni Lyn sa paglalakad.


"Speaking of.." sabi ni Lyn. Kusa na syang umalis upang makapag-usap kaming tatlo.


"Ano pa ba?" tanong ko agad sa kanila bago pa sila makapagsalita.


"We need to talk.." sabi ni Erika. Nakikita kong nagpipigil sya na magalit. At ano namang ginawa ko at mukhang iba na ang anyo nya. 


"Doon lang ako.." sabi ni Tristan Tumingin sya kay Erika at sa'kin.


Iniwasan kong magkatinginan kaming dalawa ng tumingin sya sa'kin.


"Anong gusto mong pag usapan?.. Kulang pa ba yung napagusapan natin nung nakaraan?" sabi ko. Tinaasan ko sya ng kilay.


"Hindi yun.. Ayaw na naming pilitin ka kung ayaw mong makipag usap ng maayos kay Tristan.. Sige na lalayo na kami tulad na gusto mo.." sabi nito.


Napangiti ako sa sinabi nya. Pero parang nasasaktan ako sa sinabi nya. Diba ito naman ang gusto ko? Bakit ko pa kailangang masaktan kung in the first place ito ang gusto kong mangyari..


"Fine... At last.. Kayo na rin ang may gusto.." sabi ko..



Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon