Kabanata 12

512 14 1
                                    


Kabanata 12


Sa paglalakad ko at sa kagustuhan kong humanap ng matinong makakausap nakasalubong ko naman si Jake. Baka naman pati sya ayaw din nyang makinig sa mga sasabihin ko. Bahala na. 


"Jake.." Ako na ang unang bumati sa kanya.


"Shine.. Ikaw pala.." sabi nya. "Doon na lang tayo mag usap.." sabi nya. Kaya sumunod na lang ako doon sa bench na tinutukoy nya.


"Gusto ko lang kasi ng makakausap.." sabi ko. Bakit parang hindi na sya komportable na kausap ako. Parang ang layo ng gap naming dalawa..


"May mali ba sa'tin?" tanong ko.


"Wala.. Hindi ko lang feel na makipag usap ngayon.." Ahh. Kung ganun mas gusto nyang mag isa. Fine, ibibigay ko yun sa kanya.


"Sige.. Next time na lang tayo mag usap.. Pag feel mo na ang makipag usap sakin." Tumayo na ako pero pinigilan nya yung kamay ko kaya napahinto ako sa paglalakad..


"Hindi lang naman yon ang gusto ko.. Gusto ko rin ng kausap.. Kaya Please kahit ikaw wag mo rin akong iwan.."



Ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan dahil sa sinabi nya. Pero yung linya nyang yon mas lalong nakapagpa-inis ng sobra sa galit na nararamdaman ko.


Ayoko man magdrama pero mas lalo kong naramdaman na wala na nga sakin ang taong lubos kong minamahal.


"Umiiyak ka ba?" tanong nya. Agad kong pinahid ang mga luhang patuloy sa pagbagsak. Pero I can't. Kusa silang bumabagsak. Kahit anong pigil ko, lalo silang pumapatak.


"May... naalala lang.. ako.." Pero bigla nya akong niyakap kaya hindi ko na rin napigilang hindi umiyak ng todo.


"Sorry.." sabi nya. Hinahagod nya ang likod ko para tumahan na ako sa pag iyak.


Mga ilang sandali lang tumigil din ako sa pag iyak dahil ginawa nyang pagpapatawa habang naiyak ako.. Ramdam ko ang care na pinapakita ni Jake sakin. Sana wag lang syang magbago. At sana rin patuloy na ring mabago yung mga gusto ko..


"Gusto mo bang magpunta sa theme park?" alok nya. Walang sabi-sabi hinila ko na sya at nagpunta na kami sa theme park.


*********


"Ano nagustuhan mo ba dito?" tanong nya. Ngumiti lang ako sa kanya at hinila ko na sya papunta sa may bench. Bumili rin sya ng tinatawag nilang dirty ice cream.  At iniabot nya sakin ang isa.


"Salamat ha.. Nakakahiya naman sa harap mo pa ako umiyak.."


"Wala yon.. Basta ba kailangan mo ng kausap.."


Ngumiti na lang ako at kinain ko na yung ice cream ko.


"Pagkatapos nito san mo gustong pumunta?" tanong nya.


"Kahit saan.. Basta mag eenjoy lang ako.." sabi ko. Maybe this is the best  day after all. I hope so.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon