Kabanata 4

664 13 3
                                    


Kabanata 4


Pagkatapos ng mga nangyari nitong huli ay inabala ko na lang ang aking sarili sa pag aaral. Halos iyon na lang ang inintindi ko. Hindi na pumasok sa isip ko ang ibang bagay.

Tinanaw ko sa 'di kalayuan ang nagtatayugan na mga puno. Hinihintay ang paglubog ng araw. Bukod sa mga ganitong araw ay hindi pa maproseso ng aking sarili ang mga nangyayari.

Ang mga nangyari bitong nakaraan ay nagpaisip sa akin an huwag na lang itong intindihin.

Ilang minuto akong nakaupo rito sa bench. Nilingon ko ang kanang bahagi kung saan ako nakaupo. May mga naglalaro ng soccer sa malawak na field.

Kahit malapit na lumubog ang araw ay mga gusto parin ang maglaro ng ganitong oras. Kinuha ko mula sa bag ang aking earphone. Sinalpak ko sa aking phone ang earphone at nakinig na lang ng mga kanta.

Habang ginagawa ko ito ay nakatanaw ako sa malawak na field.

"Masarap talaga ang simoy ng hangin kapag ganitong oras." Nilingon ko ang taong iyon.

"Oo nga. Nakaka-relax." aniya ko. Muli kong nilingon ang malawak na field.

"Hilig mo ba ang tumambay ng ganitong oras?" Si Jake.

"Minsan." Tinanggal ko aking earphone sa aking tainga at itinabi ito.

Nagatagal ang pagiging tahimik naming dalawa. Mga huni ng ibon, mga naglalaro sa field at mga ihip ng hangin ang tanging naririnig.

Minsan naiisip ko, kung agnito kaya katahimik ang buhay ko, yung tipong walng ibang iniisip kundi ang tingnan ang papalubog na araw.

Muli kaming kinanin ng katahimikan. Nilingon ko si Jake at tanging ang pagkurap lang ng kanyang mga mata ang tiningnan ko.

Maganda ang kaniyang mga mata. Parang nangungusap.

Ibinalik ko ang aking tingin sa field.

"Sorry nga pala noong nakaraan."

Nilingon ko siya pero nanatiling nakatanaw siya sa malawak na field.

"Okay lang."

"Kuya, Jake!" Pareho kaming lumingon sa grupo ng kabataan na palapit sa amin.

Nag batian silang lahat. Ang isa sa kanila ay hawak ang bola ng soccer. Mukhang sila ang mga batang naglalaro kanina.

"Tara, Kuya. Laro tayo ng soccer."

Sumulyap sa akin si Jake at ganoon rin ang mga kabataan.

"Ay, kasama mo pala girlfriend mo Kuya?" aniya ng isa.

"Hindi ko siya boyfriend." pagtatama ko.

"Ay, hehe. Sorry." aniya.

"Sige, okay lang. Maglaro na kayo."

"Ayon naman pala kuya, eh. Tara na." Inabot ng lalaking may hawak ng bola kay Jake ang soccerball.

"Maglalaro lang kami. Babalik din ako." Tumango na lang ako at nagtakbuhan na sila patungong soccerfield.

Nagsimula na silang maglaro. Pinapanuod ko ang bawat kilos ni Jake habang naglalaro sila. Natatawa na lang ako kapag nag aasaran sila habang naglalaro. Sineseryoso naman nila pero kung minsan ay naglolokohan na lang.

Nang malapit nang magdilim ay tumigil sila sa kakalaro ng soccer. Lumapit si Jake sa akin. Pawisan siya. Kinuha niya ang bottled water sa tabi at ininom.

Kinuha niya ang towel sa bag at ipinunas sa kanyang leeg.

"Sorry." aniya. Inilapag niya ang towel at tubig sa tabi. "Napag intay ba kita ng matagal?"

"Uhm. Hindi naman."

"Gusto mong magmeryenda?"

Mabilis akong umiling.

"Hindi na. Pauwi na rin kasi ako, eh."

"Ah, ganoon ba?"

Tumayo ako at kinuha ang aking bag.

"Next time na lang siguro." sabi ko.

Tumango siya at walang sinabi.

Bumukas ang mga ilaw sa buong field. Napatingala ako dahil malapit sa puwesto namin ay ang lamp post ng field.

Kinuha niya rin ang kaniyang bag at sinabayan ako sa paglalakad.

"Malapit lang ba rito ang bahay ninyo?" tanong niya.

Humigpit ang hawak ko sa aking bag.

"Oo. Malapit lang."

"Ah."

Kinain ulit kami ng katahimikan.

Hindi na ulit ako umimik at ganoon rin siya.

Huminto ako sa tapat ng aming bahay. Sa susunod ay lilipat na ako sa apartment. Para naman mas lalong malapit.

Tumigil rin siya sa paglalakad. Hinarap ko siya. Inilagay niya sa kanyang bulsa ang kamay niya.

"Dito ka na pala." aniya.

"Mag ingat ka pauwi."

"Sige, Shine."

Tinalikuran ko na siya. Narinig ko na rin ang iilan niayng hakbang.

"Ah, Shine." Lumingon ako sa kanya.

"Hmm?"

"Masaya akong nakilala kita."

Ngumiti lang ako. Naglakad na siya palayo. Tinanaw ko siya hanggang sa makalayo na siya sa aking apningin.

Bumalik ako sa tapat ng aming gate.

Kinuha ko sa aking abg ang susi at binuksan ang gate.

"Shine."

"Oh? Anong ginagawa mo rito?"

"Puwede ba tayong mag usap?"

"Tristan," Binitiwan ko ang pagkakahawak ko sa gate at hinarap si Tristan. "Nagkausap na tayo, hindi ba?"

"Oo pero-"

"Tama na, Tristan. Itigil mo na ito. Kasi kahit ilang beses kang humingi ng sorry ay hindi na talaga puwede. Masiyado nang kumplikado ang lahat. Gusto ko rin na maayos ang lahat. Pero kasi kahit na ayusin natin, hindi na talaga puwede."

"'Yan ba ang gusto mo?"

Huminga ako ng malalim.

"Hindi. Pero sa tingin ko ito na ang dapat nating gawin. May bagay kasi na kahit ibalik at ayusin gaya ng dati, hindi na maibabalik kung sa simula pa lamang ng lahat ay nagkaroon na ng malaking sira. Kasi Tristan, Nasira na, eh. So, I'm sorry kung hindi ko na maibibigay ang gusto mo. I just wish that you may found your happiness even if without me. Huwag kang dumepende sa akin. May sarili kang buhay. And don't worry, kaya ko ang sarili ko."

"But I promised to your parents to protect you."

"I know. But can't we just accept things that happening to us now? We can't really turn back time, Tristan."

"Alright." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Na-estatwa ako sa ilang sandaling niyakap niya ako. "I'm sorry for leaving you."

Mapait akong ngumiti at pinagmasdan ko ang aking best friend na naglalakad palayo sa akin. Sa mundo na ako at siya ang alam ko lang noon. Ngunit hindi na ngayon.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon