Kabanata 23

395 8 1
                                    


Kabanata 23

Hindi na ako nagpahatid pa kay Jake sa pag uwi ko sa unit ko. Kahit ano pa man nakakahiya na kasi kung parati nya akong ihahatid. Nilapag ko agad yung bag ko sa couch at tinali ko ang buhok ko. Nagpunta ako ng kitchen upang mag-prepare ng makakain.


Bigla naman ang pagkatok sa pinto ng unit ko. Agad akong nagpunta ng pinto. Pagbukas ko nagulat ako sa nakita ko. 


"Tita?" Ilang beses pa akong napakurap ng makita ko si Tita sa pinto.


"Hindi mo ba ako papapasukin?" tanong nya.


"Pa-pasok kayo Tita.." sabi ko. Pumasok sya at naupo sa couch. "Hindi kayo nagpasabi ng uuwi kayo, nakakagulat-"


"Hindi ka ba natutuwa na andito ako?" wika nya.


"Hindi naman po sa ganun.."


"Balak ko kasi na i-surprise ka then I think nagawa ko.." sabi nito.


Umupo ako sa tabi ni Tita. Iniisip ko na baka pauwiin nya ako at pabalikin sa states.


"Kumain na po ba kayo?" tanong ko. Tumayo ako at nagpunta kami ng kitchen. Hindi pa nga pala ako nakapaghanda ng pagkain.


"Don't worry, may dala akong pagkain.." sabi nya. Kinuha nya yung bitbit nyang bag at nilabas nya yung mga topper ware. "Sigurado akong magugustuhan mo ito.." Hindi ako masaya na andito si Tita. I'm sure ako ng gusto nyang sumama ako sa kanya papuntang states. Pero ayoko pa nga kasing sumama, masama ba yon?


"Oh?.. Bakit naman ganyan yang mukha mo?.. Hindi ka ba masaya na andito ako?" tanong nya.


Umupo ako. Pinatong ko yung kamay ko sa table.


"Wala po.." sabi ko. Pero deep inside gusto kong itanong yong totoong dahilan kung bakit sya andito. I know pipilitin nya akong sumama sa kanya.


"Babalik na lang ako bukas.. At may pag uusapan tayo.." Wala akong nagawa nong umalis si Tita.


Tinitigan ko lang sya habang papalabas ng pinto.


Ano ba naman yan. Kung kailan ayokong umalis darating naman si Tita. Kung kailan gusto ko wala naman sya.


**** 


Maaga kong pinuntahan si Lyn sa bahay nila. Baka naman tulog pa yon? Samantalang tinext ko sya kanina na pupunta ako sa kanila.


"Shine.." bungad nya.


Pumasok ako at naupo sa sofa.


"Andito si Tita." 


Nanlaki naman ang mata nya ng marinig nya yon.


"Papauwiin ka nya noh?"


"Ewan.. Pero sure ako na yon ang dahilan kung bakit sya umuwi dito.." sabi ko.


Tumabi sya sakin.


"Paano na yan.. Kung gusto ka nga nyang pauwiin sa states?" tanong nya.


Huminga ako ng malalim.


"Hindi ko alm Lyn.. Gaya pa rin ng dati.. Hi-Hindi na lang ulit ako.."


"Pero paano kung ikaw na ang may gusto na umalis?"


Napatingin ako kay Lyn.


"Hindi mangyayari yan.." Maybe yes. Hindi ko rin alam.


"Wag kang pakasiguro.." sabi nya.


Sumandal na laman ako at inisip ko an baka nga totoong ako na mismo ang may gusto.


****


Pagdating namin ni Lyn sa campus, nakasalubong namin si Jake.


Sinabayan nya kaming dalawa.


"Nakauwi ka pa ng maayos kagabi? tanong ni Jake.


Tumingin ako sakanya. "Oo naman. Safe akong nakauwi"


"Mabuti naman.." Kinalabit ako ni Lyn. Kaya tinignan ko sya.


"Bakit?" tanong ko.


"Nagkakamabutihan kayo ah.."


"Hindi ah.. Magkaibigan lang kami.."


"Baka naman magka-IBIGAN" in-emphasize pa nya yong IBIGAN. Pasaway talaga to.


"Hindi nga e." sabi ko na lang.


"Oh sya dito na ako.." Lumiko na sya sa kabilang building.


"Okay ka lan ba?" Tanong nya.


Ngumiti lang ako sa kanya. Pagharap ko, nakita ko si Tristan. It means, makakasalubong namin sya.


Okay na yata ako e. I think so.



Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon