Kabanata 2

856 17 4
                                    


Kabanata 2

Unfriend

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Tristan ay paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang mga sinabi niya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang ang dali-dali para sa kaniya ang ipagsawalang bahala ang meron kami.

Maybe I'm that burden to him. Maybe he feels that I'm too much to handle. I can't blame him kung sa tingin niya ay isa lamang akong burden para sa buhay niya. Or maybe that girl thinks that I might push Tristan to be with me. Kahit kasi sa tingin niya ay isa akong threat para sa relasyon nila, I really know where I stand in his life. Or maybe he only thinks that it's better if we live without each other.

"You know what, Shine. That bitch talaga. What the hell is her problem? Bakit kailangan umabot pa sa ganoon? That girl talaga, masasampal ko iyan." reklamo ni Lyn.

Sinabi ko kasi sa kanya kung ano ang napag usapan namin ni Tristan kahapon.

"I know, ako rin naman ay nagulat. But maybe this is right. Unfriend. Parang facebook lang, ano? Unfriend mo kung kailan mo gusto. Such a funny how things turn this out." umirap ako sa kawalan.

Kahit naman masakit sa akin ang nangyari, ay wala na akong magagawa roon. Desisyon na niya iyon.

"Dapat kinalbo mo iyong babae na iyon, eh."

"Lyn, I don't do that. Hindi ako aabot sa ganoong level."

"Really? Huh! Who knows! Baka one of this days mabalitaan ko na lang na nakipagsabunutan sa kaniya."

"I'm freaking serious."

"Serious your face. Tsk. But, anyway, tara na kasi. Ituloy na natin ang jammingan sa Nightbar."

"What? Bar?"

"Oo, bar. As in bar. Saang planeta ka ba galing?" She chuckled.

"May aaralin pa ako." palusot ko.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Aaralin? Aaraling mag move on? Huh! Come on, girl! Halika na!" Hinila niya ako papunta sa kanyang sasakyan.

"Seriously, Lyn!"

"Come on! Huwag kang kill joy!"

But in the end ay wala na akong nagawa pa sa ginawa niyang paghila sa akin.

Maingay. Mausok. Magulo. At puro wild na tao ang sumasayaw sa dancefloor.

"Akala ko ba jammingan, Ano ito?"

"Reklamador ka. Tara na!"

Patuloy lang sa paghila si Lyn sa akin. Naupo kami sa isang U shape na sofa. Is this a kind of VIP or something?

"Order ka na, dali!"

"Huh?"

"Anong huh? Order ka na!"

Sumandal ako sa backrest ng sofa at hinayaan ko na lang si Lyn na umorder ng inumun.

"Dalawang tequilla."

Ngumiti siya sa bartender at tila nagpacute. Umiling-iling na lang ako sa mga ginagawa ni Lyn. Sinasabay niya ang kanyang ulo sa magaslaw na tugtog a buong bar.

Umangat ang aking tingin sa ikalawang palapag ng bar. Mula sa puwesto namin ay nakita ko ang isang lalaki na mag isang nakaupo sa pang tatlong sofa.

Tumagal ang aking tingin sa kanya. Lumipat ang tingin niya sa akin at nagkatitigan kaming dalawa. Agad kong iniwas ang aking tingin sa kanya. Mabilis akong napainom ng juice na in-order ni Lyn para sa akin.

Sino ba iyon? Bakit parang nakaka intimidate ang tingin niya?

"Hoy, Ayos ka lang?"

"Uh, Yeah."

Sumimsim akong muli sa aking inumin. Pasimple akong sumulyap sa lalaking iyon sa itaas. May kasama na siyang isang babae.

Hindi naman parang maarte ang datingan ng babae. Simple lang ang kanyang damit. A black conservative dress.

Muli kong iniwas ang aking tingin sa kanya, dahil baka mahuli niya akong nakatingin sa kanya. As if naman makikita niya hindi ba?

"Bored ka na? Tara sayaw tayo!" Umiling ako kay Lyn pero hinila na niya ako patungo sa dancefloor.

Nagsimula nang sumayaw si Lyn sa maaliw na tugtugin. Nakatayo lang ako habang parang wild na sumasayaw ang ilan sa dancefloor.

"Come on, Shine! Ngayon mo lang gagawin ito. Get a life!"

Kumurap-kurap ako at tumingin sa paligid.

Kahit ngayon lang. Gawin ko na ito. Kung dito sa gagawin kong ito maibsan naman ang lungkot ko. Just this once. Just this one night.

Nagsimula na rin akong sumayaw, sinasabayan ang kaibigan.

"Woooh! Sabi sa iyo, hindi ba? Masaya ito!" Nangingiti akong sumasabay sa galaw at sa nakaka aliw na tugtog.

Hindi pa ako nakakatagal sa dancefloor nang unti-unting lumalayo sa akin si Lyn. Hinayaan ko na lang siya.

Napatigil ako sa pagsasayaw nang may humawak sa aking palapulsuhan at hinatak ako mula sa dancefloor.

"What the?!"

Kinaladkad niya ako palabas ng bar. Pilit kong hinahatak sa kanyang hawak ang aking kamay pero sadyang malakas ang hatak at hawak niya.

"Who are you?! Bakit ka ba-!"

"What are you doing here, Shine?!"

Napalunok ako ng sariling laway dahil sa sigaw niya sa akin. What the hell? At bakit narito ang isang ito?

For some moment, abot-abot ang naging kaba ko sa galit niya.

"Uh, Nag eenjoy?"

"Nag eenjoy? At this kind of place? Are you freaking serious, Shine? Huh?!"

"Huh!"

Napahilamos ako sa aking mukha.

"Ano bang paki alam mo? The last time I checked, Inalis mo na ako sa buhay mo, hindi ba?!"

"What I mean is, what are you doing here? At bakit sa ganitong lugar pa, ha?!"

"Oh, Come on! Ano ba sa iyo kung lalabas ako ng ganitong oras at sa ganitong lugar, huh?!"

"Ngayon ka pa nagkaroon ng lakas ng loob para lumabas ng ganito? Ano? Dahil ba wala na ako sa buhay mo-?!"

"Oo! Kaya ako lumalabas ng ganito! Kaya ako nagpapaka saya ng ganito it's because, finally, I make you get rid out of me! I can't get enjoy my life because of you! Because you won't allowed me to party! Kaunting saya lang, pagbabawalan mo na ako! Dinaig mo pa si Daddy! Sino ka ba sa buhay ko, ha? You were just my Friend! You're not my boyfriend para pagbawalan ako!"

Mabibigat na paghinga ang pinakawalan ko after my long speech. Mula sa kaninang galit na mukha ay lumambot ito.

"A Friend? Just a friend to you?"

"Oo! Kaya huwag kang umakto diyan na parang kasalanan ko pa na nagkaganito tayo. Dahil kasalanan mo ito. Ikaw ang may gusto nito."

"Sinunod ko lang kung ano ang mas makakabuti sa-"

"Kaya ako ang sinakripisyo mo, ha? Ganoon ba?" Lumunok ako at umatras ng isang beses. "And you know what? Walang sense kung pag uusapan pa natin ito. Tulad ng sinabi mo, lalayo na ako sa inyong dalawa ni Erika."

"Hindi ko sinasabing-"

"Pero iyon ang gusto mong iparating!"

Napasabunot siya sa kanyang buhok. Nag tiim bagang ako sa sobrang galit.

"Tama na, Tristan. Let's face it. It's enough."

Huminga ako ng malalim at tinalikuran ko na siya roon. Bumalik ako sa loob. Hindi para magsaya kundi para kalimutan kung ano ang mga nangyari kanina.

Just for this night. Makalimutan ko man lang ang maging malungkot. Makalimutan ko man lang ang mga masasakit na nangyari. Ang katotohanang, wala na talagang pag asa na maayos pa ito.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon