Kabanata 40

335 8 2
                                    


Kabanata 40

Shine

Ngayon ko gustong pagsisihan lahat ng naging desisyon ko. Parang ayoko ng gumawa ng mga desisyon. Nakakainis lang kasi kung kailan dapat mas matutuwa ako, mas lalo ko pang iniisip kung ano ang magiging resulta.

I hate this. I really hate this.

"Ano? Pakamatay ka na?" Pilit kong pinagkasya ang sarili ko sa sofa. Wala akong ganang tumayo o makipagtalo kahit kanino pa.

"Iwan mo nga ako mag isa.." Umupo si Lyn sa tabi ko. Hindi ko nga alam kung bakit ba ako nagkakaganito. Samantalang ako naman ang nagdesisyon nito.

"Hay.. Pag ibig nga naman oh.. Pag tinamaan ka ng lintik.." Tinignan ko ito at nakapangalumbaba ito habang nakangiti.

"Pwede ba Lyn wag ka magulo.." Iritado kong sagot sa kanya.

"Sus.. Kunwari ka pa kasi.. Alam ko namang mahal mo pa rin sya.. Ayaw mo ba no'n? Ito na 'yong pinakainiintay mo diba?.. Bakit kasi.. Hay.. Ang gulo nyo." Tumayo ito at hinablot nya ang phone ko na nakapatong lang sa table.

"Hoy! Anong gagawin mo?" Tumayo ako kahit pa tinatamad ako. Pilit kong kinuha ang phone ko sa kanya pero iba talaga pag may plano ang isang to.

"Para magtigil ka na dyan sa kakamukmok mo... Ako tatawag sa kanya." Wala na akong nagawa dahil na-dial na nya ang number nito. Hay. Iba talaga pag ang bestfriend mo ay happy na, gusto din nya maging masaya ka.

"Ano ba yan! Ayaw sagutin!" di-nial ulit nya ang number nito. Ganon na lamang ang tuwa ko ng ayaw nyang sagutin ang tawag. Ayoko kasi na isipin nya na ako naman ngayon ang naghahabol.

Bumalik ulit sa sofa si Lyn at inabot na lamang sakin ang phone ko.

Sumandal na lamang ako sa sofa pero nabigla ako ng pitikin ni Lyn ang tenga ko.

"Ang bobo nyo kasing dalawa eh!. Nakaka-high blood kayo!" Ganon na lamang ang inis ni Lyn kaya tumayo ito at nagtuloy tuloy sa pinto ng bahay.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko. Inirapan nya ako.

"Aayusin ko na lang yong wedding namin. Kesa ayusin yong gulo nyo... Bahala kayong dalawa dyan!..." Umalis ito at hindi ko na lang pinansin ang pagmamaktol nya.

"Whatever.. Sige na.." Kinuha ko na lang ang favorite na unan ko at niyakap ko ito.

"Hay.." kinuha ko na lang ang phone ko para i-text si Lyn na-

"Mag isa ka ata?" Napalingon ako sa pinto ng makita ko si Sam na kararating lang.

"Sam.." Agad akong napatayo dahil sa ayos ko. Naka indian sit ako habang yakap ko ang unan ko.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Inayos ko ang laylayan ng blouse ko at pati ang magulo kong buhok. Tinignan naman nya ako kaya ngumiti ako sa kanya. "Sorry. Ang messy ko. May... Kailangan ka ba?" tanong ko.

"Yong about sa project.."

"Ngayon na ba yon?" Bigla ko yon naalala. Yon nga pala ang dahilan kung bakit ako umuwi dito.

"Oo sana kung-"

"Sht. Nakalimutan ko. Sorry ang dami ko kasing iniisip sa ngayon eh. Idagdag mo pa yong pagmamaktol ni Lyn kanina-" Hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat upang maging kalmado ako.

"Don't worry. Naayos ko na yon." Tinanggal nya ang kamay nya sa balikat ko at nagpamulsa ito. "Next week lang yong meeting with the client. So dapat kasama ka do'n okay?" Ngumiti ako sa kanya. Sobra din sya kung alagaan nya ako. He's like my older brother.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon