Kabanata 50
Shine
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng makalabas ako ng hospital. But still, hindi ko alam kung sino at ano bang kinalaman nung Tri.. Tristan ba yun? Yah. Parang ganun na nga. Then sabi pa ni Lyn, He's my best friend. Like duh! Best friend? Sinong niloko nila? Tsk.
Kasalukuyan akong nagbabasa ngayon ng isang book na favorite ko ng may nag-door bell sa pinto. Tsk! Sino namang pangahas ang pupunta ng ganito kagabi na?
Tumayo na ako para pumunta sa pinto pero mukhang walang tigil sya sa pag-pindot sa door bell.
"Sandali ito na! Atat much?!" Sigaw ko.
"Ano bang-!"
"Ikaw na naman?!" Inirapan ko lang sya. "Anong ginagawa mo dito?" Naiinis na tanong ko. Nakakainis kasi halos araw araw na syang pumupunta dito.
"Di mo ba ako papapasukin?"
"Tsk." Gumilid ako para makadaan sya. "Pasok na po kayo mahal na PRINSIPE.." Pakadiin ko sa word na Prinsipe.
"Salamat mahal na Prinsesa." Nakangiting sabi nya. Abat!
"Hoy! Ginagago mo ba ako?" Pinanliliitan ko sya ng mata. Pero sa halip na mainis sya ay ngumiti lang sya. "Nang aasar ka ba?"
"Nope. Anyway. May-"
"Bakit ka ba kasi pumunta dito?"
"Wala lang. Na-mis kita e."
"Na-miss mo ko? Baliw ka ba?"
"Oo." Nakuha pa nyang ngumiti. Arrgh! Bwisit na lalaki 'to!
"Bahala ka sa buhay mo!" Tinalikuran ko lang sya at balak ko na sanang umakyat papaunta sa kwarto ko ng hilain nya ako paharap sa kanya, At talagang nabigla ako sa pagyakap nya sa'kin.
For a moment, parang sinasabi nyang. Hindi mo ba talaga ako natatandaan? Hindi mo ba talaga maalala lahat? Please,Sana bumalik ka na. Please, Shine.
"Ano bang... g-ginagawa mo?"
Hindi ko nga maalala lahat, pero yung puso ko, simula ng yakapin nya ako. Ayaw na nitong kumalma. Sht. Why am I feeling like this? Familiar sa'kin yung ganito. Parang naramdaman ko na dati.
"Please, Kahit saglit lang.." sabi nito. Iniangat ko ang ulo ko para tingnan sya. Nakapikit sya. Bakit sya ganyan?
Humiwalay ako sa yakap nya at nung tingnan ko ulit sya. Parang ang lungkot nya.
"Sasabihin ko ulit sa'yo ito. Hindi nga kita makilala. Kaya kung pwede lang, lubayan mo na ako. Kasi alam mo, Kahit pilitin mong ibalik yung memories natin na sinasabi mo.. Mahirap e. Kahit ako, gumagawa ako ng way para mabalik yun. Pero hindi pa talaga. So, Please. I'm begging you. Lubayan mo muna ako." Litanya ko.
Nakita kong nalungkot sya kaya hinayaan ko lang sya at tuluyan ko na syang tinalikuran. Ang kulit kasi nya e.
~*~
Buong araw walang nangulit sakin, kaya mas mabuti na rin yung ganito. Nagpapahangin lang ako sa may terrace dito sa labas. Malamig ang simoy ng hangin at talagang malamig na.
Pagpasok ko sa loob, may nakita akong isang maliit na note sa may center table, I think diary yun?
Kinuha ko yun, At pag flip ko ng isang page. Nakita ko ang handwritten ko. Teka? Sinulat ko ito?
Balak ko na sanang basahin yun ng magulat akong biglang pumasok si Lyn, kaya naman. Nabitawan ko ito. Agad kong pinuntahan si Lyn ng makapasok na sya.
"Hindi sya pumunta?" bungad na tanong nya.
"Sino?" tanong ko.
"Si Tristan. Hindi sya pumunta dito?"
Kumunot ang noo ko.
"Hay." Umupo sya sa sofe na feel na feel.
"Hindi ka pa rin nakakaalala?" tanong nya. Inabot ko sa kanya ang baso ng tubig.
"Hindi pa." Tipid na sagot ko. Tumabi ako sa kanya at tinitigan ko ng mabuti si Lyn. At bigla bigla. parang sumasakit ang ulo ko. Ewan ko, basta ang sakit. Parang gusto ko ng biyakin.
BINABASA MO ANG
Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)
RomanceCOMPLETED || (EDITING) January 23, 2016 - March 14, 2017 REVISED: December 02, 2018 All Rights Reserved 2016 ©bluecrazyaddicted