Kabanata 31

378 10 2
                                    


Kabanata 31

Pagkatapos ng mga naunang auditons sa tulong ni Auntie at ng agent na may hawak ng sched ko, napabilis ang pagmo-modelo ko sa isang clothing brand na Eliminate Clothing, Inc.

Mabilisian lamang ang pag-wrap up ng shoot. Hindi ko maiwasan isipin na sana pala noong mga panahon na pinipilit ako ni Auntie para dito, pumayag sana ako.

"Shine, pumili ka na lang ng mas kumportable kang suotin para sa shoots. Parehas lang naman ang mga designs doon." Ani ng agent ko.

Tumango ako at mabilis na naglakad patungong dressing room. Pagkatapos kong makapili ng isusuot ay lumabas na ako ng dressing room.

Everyone look so under pressure.

Lumapit ako sa aking agent.

"Nariyan ang Acting CEO ng brand, anak ni Madame Marga."

Tumango lamang ako at inilibot ang paningin sa buong paligid.


Nang nagsimula na ang panibagong shoot ay isa-isang nagsimula ang photo shoot. Sa 'di kalayuan ng puwesto ko, nakita ko ang isang lalaking nakasandal sa hamba ng pintuan. Iyong lalaking nakita ko sa auditions.

"'Yan ang acting CEO, si Gino."

Napasulyap ako sa gawi niya.

Nakatingin siya sa akin na para bang sinususuri ako. May lumapit sa kanyang isang babae at bahagya itong umayos ng pagkakatayo.

Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga naunang modelo.

Pagkatapos ng ilang modelo sa shoot, ay ko na ang tinawag para sa last shoot at mag wrap up na.

Napatigil lang ang lahat pati ang photographer na naka assign sa shoot nang lumapit ang acting CEO na si Gino. Ngayong malapit na siya sa aking paningin saka ko lamang namukhaan siya.

Nagsimula na ang shoot kahit nasa paligid lang si Gino.

Nang matapos ang shoot ay lumipat ako sa aking hair dresser. Saka ko lamang naramdaman ang presensya ng isang tao sa aking likuran.

"It's been a long time,"

Ngumiti ako sa kanya.

Aware ako na ang lahat ng staff ay nakatingin sa amin kahit na busy sila sa kani-kanilang ginagawa.

"Kailan ka pa bumalik rito?"

Lumapit siya sa hair dresser table at hinatak ang high chair malapit sa akin.

"Last week lang," ani ko.

Gino is my friend. I mean, ang pamilya niya ay family friend namin noon pa man.

"How's your life in Philippines? Ilang taon na rin ba simula nang umuwi ka?"

"Thirteen? I guess?"

We both laugh.

"It's been really a long time! So, ano? Lunch after the shoot? My treat." Ngumiti siya sa akin.

"Of course! After the shoot."

"I gotta go, sumaglit lang ako para kumustahin ka. Anyway, nice to meet you again." Nilahad niya ang kamay sa akin.

"Nice to meet you again." Nakipag shake hands ako sa kanya.

Tumayo siya at naglakad paalis ng studio.

Pagka alis niya ay muli akong humarap sa salamin tiningnan ang aking make up. Nakita ko sa salamin ang paglapit ni Miss Ada. Tiningnan ko siya.

"Friends kayo ni Gino Alegre?"

"Uh, family friend."

"Oh. Okay. Malapit na mag wrap up." Naglakad ito patungo sa isang modelo.

Nang natapos ang lahat ng shoots sa studio ay muli kong nakita si Gino na papunta sa aking dresser. Ngumiti ako sa kanya at ganoon din ang kanyang ginawa.

"Are you done?"

"Yup."

Kinuha ko ang aking bag at pagkatapos ay nagpaalam ako kay Miss Ade, ang aking agent. Habang palabas kami ng studio ay lahat ng mga mata sa studio ay sinusundan kami ng tingin palabas.

I just ignore them dahil alam ko na pagkakaibigan lang ang mero kami ni Gino.

Sa isang restaurant kami nagpunta sa Times Square.

"This place is really nice. Hindi ako magsasawang pumunta rito sa Times Square." masayang sambit nito nang makapasok kami sa isang restaurant.

"Yup. I remember na dito tayo laging namamasyal noon."

"No matter how busy the streets are."

"Yeah. Kind of missing the old times."

Nang nai-serve an ang main course ay kumustahan lang ang pinag usapan namin at mga nangyari sa nagdaang taon.

"But anyway, How's Lyn?"

"Oh! She's fine."

Parang nawala ang ngiti ko nang maisip ang kaibigan. Hindi ko na siya nasabihan pa. Though alam kong maiintindihan niya naman 'yon. Sa susunod ko na lang siya tatawagan.

Pagkatapos namin kumain ay namasyal kami sa buong street ng Times Square. Mga memories naming tatlo noon kung paano nagsimula.

"Kumakanta ka pa rin ba?"

Sandali akong natigilan.

"Uh.. Hindi na."

"Why?"

Tiningnan niya ako ng kunot noo.

"Oh. 'Wag mo nang sagutin."

"It's okay.... After kasing mawala nila Mom at Dad, itinigil ko na ang pagkanta at pagba banda."

"It's so sad, sorry."

"No. It's okay!" Pinilit kong maging maayos ang boses ko.

Hindi na muling nagtanong si Gino sa buhay ko pagkatapos. Hinatid niya ako sa pag uwi pagkatapos ng pama masyal namin.

"Thank you sa paghatid."

"No problem. See you again next time."

Ngumiti ako at kumaway sa kanya.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang itim na jaguar hanggang sa makalayo na ito.

Ito na siguro ang magiging dahilan kung bakit magiging maayos na ang lahat.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon