Kabanata 43

285 9 7
                                    


Kabanata 43


Shine

Nanatili lang akong nakatayo habang iniisip ko pa kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Pumayag akong mag usap kami so dapat alam ko rin kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Tinignan ko lang sya ng maigi. Mula sa magaganda nyang mata, matangos na ilong at. Shit lang. Pumikit na lamang ako ng hindi ko lubos maisip na parang nat-temp ako sa lips nya.

"Ano bang gusto mong pag usapan?" Deretsahang tanong ko sa kanya. Tinignan lang nya ako at rinig na rinig ko ang paghinga nya ng malalim. Senyales na para mag usap kami ngayong araw na ito ng seryoso.

Mas lalo pa syang lumapit sakin habang ako atras lang ng atras hanggang sa hindi ko namalayan na wala na akong maatrasan. "Uh-Uhm... Tri-Tristan.." Napasandal na lamang ang likod ko sa pader malapit sa pinto. Then tinignan nya ako diretso sa mata. Shit. Anong gagawin nya?

Balak ko sana ang itulak sya pero instead na maitulak ko sya, iniharang nya ang dalawang kamay nya sa pader dahilan upang makulong ako.

"W-What are you doing this?" tanong ko pero nag-smirk sya.

"Because I want to talk to you.. At hindi tayo makakapag usap ng maayos kung lagi ka na lang aalis.." he said.

Huminga ako ng malalim.

"Okay fine.." I said. "Makikipag usap ako sayo. Pero please..Wag naman sa ganitong paraan.." Mas lalo pang lumawak ang ngiti nya. Halos hindi ko na alam kung ano ang nasa isip nya. Sobrang hirap nyang i-predict.

Unti-unti nyang nilapit ang mukha nya sakin. And I can smell his manly scent. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin nya kaya napapikit na lamang ako ng sobrang lapit na nya sakin. At ang lakas pa ng pintig ng puso ko. Then naramdaman kong hinaplos nya ang buhok ko then he place them at the back of my ear.

Pati ang paghinga nya ay ramdam ko na rin. Nanatili lang akong nakapikit dahil ayokong makita kung ano ang gagawin nya.

"Later.. We'll talk.." He whispered at my ear. Hindi ko na naramdaman na malapit na sya sakin kaya napadilat ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang disappointed ako. Halos himatayin na ako dahil ang buong akala ko pa naman na.. Shit lang! Did I expect him to kiss me?

Huminga ako ng malalim.

No. Hindi mo dapat maramdaman yan Shine..

Tinignan ko sya na ngayon ay nakatayo sa dining. Parang wala lang sa kanya yong ginawa nya. Pero para sakin parang ang hirap intindihin kung ano ang nasa isip nya.

"Next time na tayo mag usap.. Sinayang mo lang yong oras ko sa wala.." Sabi ko. Hindi man lang sya nagsalita o ano, Parang wala lang sa kanya ang pagw-walk out ko ulit. Kasasabi lang nya kanina na mag uusap kami pero ito pala ang napala ko.. Wala lang pala akong napala.

Tuloy tuloy lang ako sa paglabas ng pinto at hindi man lang sya nagsalita para pigilan ako. Bwisit sya! Hindi na talaga ako makikipag usap sa kanya!


Tristan


Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa naging reaksyon ni Shine sa ginawa ko sa kanya kanina. Parang gusto na nya akong sampalin dahil sa ginawa ko. I really like her face kapag naiinis sya o napipikon sa tuwing lumalabas ang pagkapilyo ko.

Pero at the same time hindi kami nakapag usap ng matino. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Pakshet lang dahil kung kailan naman ako may chance para kausapin sya, Do'n naman ako nato-torpe. Ako ba talaga to? Hindi ako yon e.

Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon