Kabanata 38

292 7 8
                                    



Kabanata 38


Hindi ko alam kung paano ako makakapag-decide sa dami ng iniisip ko ngayon. Thus, ang hirap pa dahil sa tuwing iisipin ko na parang ang hirap, nakakainis lang kasi. Pero kahit na parang gano'n, hinayaan ko na lang.

After namin mag usap ng gabing yon ni Tristan parang naging malamig na ang pakikitungo nya sakin. Hindi ko na lang inintindi. Siguro ay hindi pa lang nya kayang tanggapin yon. San mali ako sa iniisip ko. Pero hinayaan ko na lang ang mga ganong bagay.

Halos kanina pa ako nag iintay dito sa labas ng bahay ni Jake. Hindi ko nga alam kung bakit ako andito. Naisip ko kasi na baka panahon na para kausapin ko sya. Kailangan na siguro naming mag-move on parehas sa nangyari no'n. Pero siguro kailangan nga.

Nakatayo lang ako sa tabi ng kotse. Nakasandal ako habang naka-cross ang mga braso ko. Hindi rin ako sigurado If andyan talaga sya o wala. 

Tumingin ako sa baba habang hindi ako mapakali.

"Shine, Anong ginagawa mo dito?" Umayos ako ng tayo ng makita ko si Jake sa tabi ko. Nakapamulsa ang kanang kamay nya at may bitbit syang maliit na kahon.

"Uhm.. Gusto sana kitang makausap." sabi ko. Tinignan ko ang kahon na dala nya. Tinanggal nya ang kanang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya. 

"Sana sinabihan mo ako para hindi kita mapaghintay dyan." sabi nito. Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Okay lang." sabi ko.

"Pasok ka muna sa loob.." Nauna na syang maglakad habang sinusundan ko sya. "Pasensya ka na ha, Galing kasi ako kina Mama."

"Ahh.."

Huminto sya ng makapasok na kami. Inilapag nya ang dala nyang kahon sa table.

"Ano nga pala yong gusto mong pag usapan natin?" tanong nya. Inabutan nya ako ng maiinom pero inilapag ko lang yon sa table. "Upo ka." Lumapit sya sakin at tinabihan ako ng makaupo ako sa couch.

"Gusto ko sana mag-sorry.." sabi ko.

"Para saan?" tanong nya. Hindi ako umimik. Huminga ako ng malalim bago ko sabihin sa kanya ang totoo.

"Tungkol sa.. Nangyari no'n.. Yong about sa nangyari kina Mama... 'Yong aksidente." sabi ko.  Yumuko agad sya ng marinig nya yon.

"Ako dapat 'yon." sabi nya. Tiningala nya ako at nakikita kong nangingilid na rin ang mga luha nya. Hinawakan ko ang kanang balikat nya upang i-comfort sya.

"I know, sobra akong nagalit sa'yo. Sa inyo. Kaya nga andito ako para.. "

"Ako nga dapat ang humingi ng tawad sa'yo. Sa pamilya mo." sabi nya. Dahan dahang bumaba ang kamay ko mula sa balikat nya at bumagsak ito sa upuan. Yumuko sya at kinuyom ang mga kamay nya. "I'm so sorry Shine.. Hin-"

"Sshh... Okay na.. Tinanggap ko na ang nangyari sa kanila.. Dala lang ng galit yon kaya kita sinisi.. Pero maniwala ka, Matagal ko ng napatawad ang taong naging dahilan no'n.. Bago pa man kita nakilala.." sabi ko.  Nginitian ko sya para hindi na nya sisihin ang sarili nya.

"Pero-" Pinigilan ko ulit sya na makapagsalita at niyakap.

"Pero 'yong tungkol sa sinasabi mo na.." Hind ko na matuloy ang sasabihin ko dahil talagang nahihiya ako. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaalam sa kanya ang totoo. Napayuko ako.

" 'Yong tungkol sa inyo?" Agad ko syang tinignan.

"Sorry.." Mahinang sabi ko.

"Okay lang.. Kahit naman hindi ka magsabi, alam ko naman na mahal mo pa rin sya.." Nag-crack na ang boses nya. Sht. He's crying. Agad ko syang niyakap.

"I'm sorry talaga." Parang naiiyak na ako dahil sa nangyayari.

Humiwalay sya sa yakap ko. Pinunasan nya ang luha nya. "Sinabihan mo na ba sya tungkol dyan." tanong nya. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi pa rin ako nakakapag-desisyon sa ngayon kung sasabihin kong mahal ko pa rin sya.

"Hindi pa."

"Then, sabihin mo na.."

"Pero natatakot ako."

"Nakikita ko rin namang mahal ka nya. "

"Pero pa'no ka?" sabi ko. I'm stupid. Bakit ko pa ba tinanong yon sa kanya? "Sorry." Pagbawi ko sa sinabi ko.

"'Wag mo akong intindihin.. Kaya ko namang mag move on.. Believe me. I can.." Ngumiti sya sakin pero alam ko deep inside nasasaktan sya.

"Don't worry, Hindi ko na ulit gagawin yon.. Para mabilis kang maka-"

Tumayo ito at naglakad malapit sakin. Tinignan ko lang sya. Kinuha nya ang box na kanina ay dala nya. "Ibibigay ko na sayo 'to." Lumapit sya sakin at tumabi. Inabot nya sakin ang box. "Buksan mo yan.." sabi nya. Binuksan ko 'yon at naro'n ang binigay ko sa kanya no'n na maliit na book.

"Hanggang ngayon nasa 'yo pa rin 'to?" Kinuha ko yon at binuklat ko. Tinignan ko sya.

"Tinago ko talaga yan.. Pagkatapos mong ibigay saki yan.. Pinuno ko yang ng lahat ng bagay na nakakapagpasaya sakin..." Ngumiti ako at isa isa ko tong tinignan. "Isa ka na do'n.." Tinignan ko sya at nakikita kong malungkot sya.

"Jake.. Sinabi ko na sayo diba?" sabi ko.

"I know.. Kaya nga binigay ko na yan sayo.." Kinuha nya mula sakin yon. "And ito?" Inangat nya ang yon at ngumiti sakin. "Just keep this.. Okay?" Ngumiti ako sa kanya at kinuha ko yon

"I promise.. I'll keep that.." I said. Alam kong mahaba haba pa ang pupuntahan ng kwento naming lahat. Pero alam ko rin sa sarili ko na kaya kong labanan 'to. Sana lang.



Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon