Kabanata 49
Tristan
Ilang linggo na simula ng aksidente pero hanggang ngayon, hindi pa rin sya nagigising. Araw araw akong humihiling na gumising na sya, pero hindi pa rin. Pumasok agad ako sa private room nya kung saan sya nananatili. Tumabi ako sa kanya at umupo ako sa gilid nya. Hinawakan ko ang kamay nya.
"Gumising ka na Shi." sabi ko. Hinaplos ko ang ulo nya pero maingat kong hinaplos ang noo nya. "Please Shi, wake up. Marami pa tayong pagsasamahan. Di'ba sabi mo, Magiging handa ka pa? Kaya gumising ka na please.."
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, at kapapasok lang ni Lyn. Ngumiti lang ako at lumapit sya kay Shine. Inalis ko ang kamay ko sa noo nya.
"Kumusta na sya?" tanong nito, Hinaplos din nito ang ulo ni Shine.
"Labas na muna ako." Ngumiti lang sya at lumabas na ako ng kwarto nya.
Nagpunta muna ako ng cafeteria para bumili ng makakain. Habang hinihintay ko yung binili ko, pinili kong maupo muna. Nung bumukas ang pinto ng cafe, Nakita kong pumasok si Jake at nagtungo sa counter. Pinagmasdan ko sya hanggang sa makadaan sya malapit sakin kay tinawag ko sya.
Lumingon ito at lumapit sakin.
"Dadalaw ka sa kanya?" tanong ko.
Tumungo lang sya nginitian ako.
"Papunta ka na rin ba?"
"Oo sana.. Pero. Sige, puntahan mo na lang sya."
"Sige. Una na ako."
Lumabas na sya at ako naupo muna ako dito.
~*~
Tumayo na ako para puntahan sya ng mag ring ang phone ko, hindi ko na tinignan kung sino pa yun at sinagot ko na.
"Hello." Nginitian ako ng nurse na kanina ay nagtanong sakin.
"Tristan!"
"Lyn. Hindi ako bingi wag mo-"
"Si Shine.."
"Anong nangyari?"
"Nagising na sya"
"Sige, papunta na ako.."
Nagmadali akong pumunta sa kwarto nya para sa magandang balita na yun. Pagbukas ko ng pinto lahat sila, parang nagtataka. Tinignan ko si Shine, at nakakunot ang noo nya.
"I already told you Ilyn, That I don't know him." Madiin ngunit mahinang sabi nya.
"Anong meron?" tanong ko.
"And who are you?" Nabaling ang tingin ko kay Shine na nakatingin sakin.
"Shine, Si Tristan yan." sabi ni Lyn.
"I don't even know him." Yumuko ito at inilibot ang tingin sa kamay nya.
"Doc," Biglang pumasok ang doctor kasama ang nurse.
Lumapit kami sa doctor at nag explain sya samin.
"Maybe she's suffering from selective memory loss."
"Kaya ho ba pati ako ay hindi nya maalala?" sabi ko.
"Yes. Makakatulong lang para bumalik ang memory nya, ay ipaalala sa kanya ang mga bagay na nakalimutan nya."
Nagkatinginan kami ni Jake. Mahirap. Dahil pati kami, ay nakalimutan nya..
BINABASA MO ANG
Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)
RomanceCOMPLETED || (EDITING) January 23, 2016 - March 14, 2017 REVISED: December 02, 2018 All Rights Reserved 2016 ©bluecrazyaddicted