Kabanata 48

203 6 0
                                    


Kabanata 48


Sa sandaling nakaalis na si Tristan, doon ko na nagawang makaalis. Mahirap pa rin paniwalaan sa ngayon na kaya pa rin nya akong hintayin sa kabila ng lahat. Umalis na agad ako ng coffe shop at tinungo ko na ang sasakyan ko para makabalik na ako sa bahay.

Hinihintay ko ang go signal kaya habang naka-stop pa, minabuti kong kunin ang phone ko. Pero bago ko pa ito ma-enter ang pass code ng phone ko, nakita kong nagtext si Tristan. Kaya agad ko itong tinignan.

Tristan: Nakauwi ka na ba? Dapat kasi pumayag ka na ihatid kita. txt mo ko pag nakauwi ka na. Ingat. :)

Kaya agad ko syang ni-reply-an

Shi: Nope:) Pero on the way na ako. Ingat ka din :)

After kong i-send yun, sakto namang nag go signal na kaya naman pinaandar ko na ang kotse ko. Hindi ko alam pero I found myself smiling. Don't know why pero siguro, okay na ako sa ganitong sitwasyon lang.

Habang nagmamaneho ako, bigla na lang akong napahinto when something got bumped into the back of my car.

Agad akong bumaba ng kotse ko, then pag open ko ng pinto,hindi ko namalayan na may isa na palang sasakyan ang mabilis nagpatakbo.


Tristan

Natutuwa ako na okay na kami ni Shine sa ngayon. Pero hindi ko pa rin maalis sa ispan ko ang tungkol sa pagpayag nya na ganito na kami. Masaya ako dahil pumayag sya, pero nalulungkot ako dahil hanggang sa ngayon, hindi pa rin sya handa sa posibilidad na maayos namin lahat.

"Pre, May emergency ka." sabi ni arnold, isa sa kasamahan ko. dumiretso na kasi ako dito kaya lang pala naiwan ko ang phone ko sa table ko.

"Anong-"

"Ewan, ikaw kumausap," 

Inabot sakin ni Arnold ang phone at ako ang kumausap.

"Hello?"

"Kayo po ba ang kaibigan ni Shine Ramirez?"

"Ako po, bakit?"

"Naaksidente kasi sya-"

"Saan ho sya?"

Dobleng kaba ang nararamdaman ko ngayon lalo na at nasa panganib ang buhay nya. Sana pala, pinilit ko na lang na ihatid sya kahit ayaw nya.

Agad akong pumunta ng hospital at naroon sya sa ER, pero hindi pa pwedng pumasok. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya pabalik balik ako sa hallway.

Umupo na lang ako at napasabunot ako sa buhok ko. 

Biglang lumabas ang doktor mula sa ER kaya lumapit ako.

"Kumusta na po sya, doc?"

"She's okay now. Ino-obserbahan na lamang sya. But for now let's just wait kung kailan sya magigising. Excuse."

Umalis ang doktor at ako tulalang nakatingin sa pinto ng ER. May benda sya sa ulo at ang dami nyang sugat. Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa kanya.


Fleeting Moments from the Past (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon