CHAPTER 11
Charles' POV
Nakaupo lang ako sa tabi ni Vanessa. Wala lang siyang imik. Ano na naman kayang problema nito?
Nalulungkot ako sa tuwing nakikita ko siyang ganyan. Tulala lang, wala sa sarili. Parang ang bigat sa loob.
Halatang halata na umiyak siya magdamag eh.
"Uy." Tawag ko sa kanya. Nilingon niya lang ako tapos dumiretso ulit yung tingin niya.
"Gusto mo?" Alok ko sabay pakita ng chocolate na baon ko.
Alam ko kasing nakakabawas stress daw yung chocolate eh. Baka makatulong sa kanya to. Baka gumaan pakiramdam niya.
Nagulat ako nung umiling siya. What?! Tinanggihan niya yung chocolate na bigay ng isang Charles?!
Hindi ako makakapayag!
"Uy, wag ka ng malungkot. Para sayo talaga yan." Pinatong ko sa ibabaw ng arm chair niya. Nakatungo parin siya.
Ano bang makakapagpasaya dito?
"Sige ka, iiyak ako kapag hindi mo tinanggap yan." Sinamaan niya ako ng tingin atsaka kinuha yung chocolate at kinain.
Ang cute niya.
"Eh kaya naman pala malungkot si Charles eh." Biglang sulpot ni Zach. Sinamaan ko siya ng tingin at pinakitaan ng kamao ko. Baka gusto niyang halikan eh.
Tumawa lang sila atsaka umalis.
Baliw talaga.
Pagkatapos ng klase namin, hinila ko agad si Vanessa.
Hindi pwedeng umuwi siya ng malungkot parin.
"U-uy, teka. S-san tayo pupunta?" Gulat niyang tanong.
"Sa resto ko." Napalingon siya sakin na nagtataka.
"May resto ka?" Tumango ako atsaka siya pinasakay sa kotse.
* * *
"Hi! Ikaw pala si Vanessa! Alam mo bang madalas kang kinukwento samin ni Charles?" Nakangiting sabi ng pinsan kong si Kelsea kay Vanessa. Ano ba yan, ang daldal.
"Ah, hehe." Tanging reaction ni Vanessa kay Kelsea. Kanina pa kasi siya dinadaldal ni Kelsea eh.
"Uy, umiinom ka ba?" Tanong ni Kelsea sa kanya. Nakita ko ang pag-iling niya.
"Eto, try mo. Masarap." Sabay abot ni Kelsea ng cocktail drink sa kanya. Tiningnan ko siya ng masama.
Wala sa plano ko ang painumin si Vanessa!
"Easy ka lang pinsan, di nakakalasing yan. Pinag aralan namin yan eh." Pagmamayabang ni Kelsea. Edi siya na HRM.
BINABASA MO ANG
This is Me
Teen FictionShow the world the real you. Let yourself out from being invisible in their eyes. Being real is better than being fake. This is the right time to show them who truly you are. ©IzaBagamasbad