CHAPTER 31
Vanessa's POV
♪Slowly, slowly
I’m okay in revealing
Scars you see I wear them proud in the end
I decided tonight that I’m wasting
Too much thought on the art of perception
Could it be that easy to let it all go♪Habang naglalakad ako sa corridor ng third floor, may narinig akong tugtog galing sa dulong kwarto.
Eh?
Ano kayang nangyayari dun?
Lumingon ako sa paligid to make sure na walang tao.
Swerte ko kasi wala si Auntie. Siguro nasa garden na naman ng bahay.
Habang papalapit ako, palakas nang palakas yung tugtog.
Wala namang ibang tao dito na magpapatugtog kundi si...
Nang may narealize ako, binuksan ko nang kaunti yung pintuan and there I saw her dancing.
Yung galaw niya, ang swabe. Ano bang tawag sa sayaw na ganito? Lyrical?
Bawat galaw niya, may meaning. Parang ramdam na ramdam niya yung lyrics.
"Wow."
Nagulat ako nang tumigil siya sa pagsasayaw at napalingon sa direksyon ko.
Sorry, hindi ko sinasadyang buksan pa nang malaki yung pintuan.
"What are you doing here?!" Galit na sigaw niya sakin atsaka pinatay yung radio.
Naglakad siya palapit sakin at swear, kitang kita ko ang galit sa mata niya.
"Anong nakita mo?!"
"Sorry, Rachelle." Nakayuko kong sabi.
"Napakachismosa mo kasi!" Naiinis talaga siya.
"Ang galing mo kayang sumayaw. Bakut ka nahihiya?"
Lalo niya akong sinamaan ng tingin.
"You don't know anything! Kapag may nakaalam nito, lagot ka sakin!" Galit na sabi niya atsaka ako pinagtulakan palabas ng pintuan.
Anong nangyari dun?
Nanonood lang naman ako?
Nagulat ako nang nagvibrate yung phone ko.
Monique calling.
"Hello?" Bati ko sa kabilang linya.
Naglakad na ako pabalik ng kwarto ko para ayusin ang sarili ko.
Buti nalang nauto ko na naman si Auntie na may group project kami.
"Where are you na?" Tanong niya. Tinawanan ko lang siya atsaka sumagot.
BINABASA MO ANG
This is Me
Teen FictionShow the world the real you. Let yourself out from being invisible in their eyes. Being real is better than being fake. This is the right time to show them who truly you are. ©IzaBagamasbad