Chapter 33: Wrong

23 1 0
                                    

CHAPTER 33
Vanessa's POV


"Hi." Bati ni Charles sa akin nang makarating ako sa playground malapit sa amin.


Nginitian ko siya atsaka umupo sa tabi ng swing niya.


Tahimik lang akong nagsuswing.


Hindi ko pa rin makalimutan yung makahulugang tingin sa akin ni Zach.


"Tara."


Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Charles mula sa kinauupuan ko.


"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.


Hindi siya sumagot. Nginitian niya lang ako.


Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko na rin alam ang lugar na to.


"Do you trust me?" Tanong niya habang nakaharap sakin at nakahawak sa magkabilang balikat ko.


"Huh?" Anong trust me?


Hindi ko maintindihan.


"Just answer." Tinitigan niya ako sa mata.


Ano ba to? Parang kinabahan ako bigla.


"Y-yes."


I will trust you.


Nagulat ako nang bigla niyang tinakpan yung parehong mata ko ng panyo.


"Charles?" Tawag ko. Tinapik niya ako sa balikat.


"Just follow my steps."


Inalalayan niya ako sa paglalakad.


Wala akong idea kung saan kami pupunta. Basta ang alam ko lang, I trust him in this.


Naramdaman kong huminto kami sa paglalakad.


"We're here." May halong excitement sa boses niya.


Nasaan ba kasi kami?


Naramdaman kong tinanggal niya na yung piring sa mata ko. Pagdilat ko, parang tumalon yung puso ko sa sobrang pagkamangha.


"You like it?" Tinanguan ko siya.


"Ang ganda, Charles." Sabi ko pa.


"Mas maganda pag nasa taas." Nakangiti niyang sabi atsaka ako hinila papunta sa tree house.


"Teka, baka pagalitan tayo ng may ari." Pigil ko.


Lumingon lingon pa ako sa paligid. Baka kasi may makakita sa amin. Baka magalit.


"Hindi ako magagalit."


Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Teka.


"Sayo tong tree house?" Gulat kong sabi. Tinawanan niya lang ako atsaka nauna nang umakyat.


Ang ganda. Ang ganda ng hagdan. May slide pa sa gilid.


Ang presko siguro doon.


"Vanessa, come here!" Tawag niya habang kumakaway sa akin.


Napangiti ako sa kanya atsaka umakyat sa hagdan.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon