Chapter 50: For The Love Of A Daughter

11 0 0
                                    

CHAPTER 50

Vanessa's POV


"Ito yung mga gamit na pinamili ko sayo oh." Nakangiting sabi ni Tita Lily habang inilalabas yung mga dress at sapatos na binili niya. Halatang hindi pa nagagamit.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nandito na sila sa harapan ko, pero bakit parang imposible?


"Atsaka ito, yung mga regalo ko every birthday mo. Buksan mo na." Excited niyang sabi.


Hinawakan ko yung kamay niya.


"Tita, saka ko na po bubuksan kapag nakuha na po yung blood test result." Nakangiti kong sabi, nakita ko naman ang pagbuntong hininga niya.


"Pwede bang Mama nalang itawag mo sa akin?" Naramdaman ko yung panggigilid ng luha ko sa sinabi niya.


"Opo, Mama."


Niyakap niya ako.


"Ang sarap namang pakinggan. Unang beses kong narinig yan." Masaya niyang sabi. Masaya rin ako para sa kanya. Alam kong labis ang pangungulila niya sa anak niya.


"Uhm, Mama, pwede ko po bang malaman ang buong kwento?"


Kanina ko pang gustong sabihin yan, gustong gusto ko na talaga malaman ang totoo.


Para makumpleto na yung pagkatao ko.


Umayos siya ng upo atsaka sumandal sa headboard ng kama.


Dito na nga pala ako magstay simula ngayon, gusto daw kasi nila akong makasama.


"Bagong kasal kami ni Jack noon, habang nagtatagal nagkakaroon kami ng mga tampuhan, hanggang sa naging malamig ang pagsasama namin. Nagkaroon siya ng ibang karelasyon, Si Veronica. Gabi gabi akong umiiyak nun, hoping that he will come back to me. He got Veronica pregnant, tumagal pa ng 5 months yung relasyon nila. Wala akong ginawa kundi intayin siya sa pag uwi niya. Hindi ko siya iniwan, hindi ako bumitaw. I just prayed, that my husband will come home. Until one night, he came back asked for my forgiveness. He said sorry. Narealized niya na siguro yung mali niya. Na he only belongs to me, I am his wife. Hindi ko siya iniwan kasi nangako ako sa Diyos, na hindi ako bibitaw. Na hindi ko siya bibitawan."


Nakinig lang ako sa kanya. Wala akong masabi. Grabe magmahal si Tita Lily este Mama.


Nagawa niyang patawarin si Tito Jack sa lahat ng ginawa niya. Hindi ko siguro kaya yun. Well, ganon naman siguro talaga kapag mahal mo, diba? Hindi mo bibitawan at ipaglalaban mo hanggang dulo?


"Then I got pregnant. At ikaw ang pinagbubuntis ko noon. 3 months na akong buntis sayo nung pumunta si Jack kay Veronica. Tayo ang pinili niya. Iniwan niya si Veronica. But she is so desperate. Ayaw niya tayong tigilan. Nung manganak ako sayo, nakita ko na may birthmark ka sa likod. Yun lang yung tanging naaalala ko sayo. Yun lang ang palatandaan ko sayo. Papunta na sana kami ni Jack sa nursery room dahil ilalabas ka na namin, pero pagdating namin doon sabi ni Doctor Martin na nagkaproblema daw sayo. Bigla daw humina ang tibok ng puso mo at hindi mo na nakayanan. Sinubukan ka naming hanapin at puntahan sa morgue pero pinigilan niya kami. Ang sabi niya hindi pwede dahil may test pang ginagawa sayo. Hindi naman alam ni Jack na kinidnap ka na pala ni Veronica, at kasabwat pa niya yung doctor na nagpaanak sa akin."


Hindi ako makapaniwala sa kwinento ni Mama. Hindi ko alam na ganon na pala kadesperada si Auntie. Nagawa niya akong nakawin sa sarili kong mga magulang.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon