NOTE: Long update. Enjoy :)
* * *
CHAPTER 29
Vanessa's POV
"Wala ka talagang balak pumunta ng prom?" Pangungulit ni Luke.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagtatype ng story sa wattpad.
"Wala akong damit." Simpleng sagot ko.
Alangan namang pumunta ako doon nang naka tshirt at pantalon? Magmumukhang tanga lang ako doon.
Atsaka wala na akong damit. Sira na. Hindi nalang ako pupunta. Itetext ko nalang sila Camille mamaya.
Bigla siyang tumayo sa pagkakahiga at hinila ang kamay ko.
"Yun lang pala eh."
Hinila niya ako palabas ng bahay at pinasakay ako ng kotse niya. Anong gagawin nito?
"Saan tayo pupunta?" Nakakunot noo kong tanong.
Nginitian niya ako.
"Balato mo na sakin to." Sabi niya atsaka patuloy sa pagdrive.
Ipinarada niya yung sasakyan niya sa tapat ng boutique. Puro gown.
"Luke?" Nagtatakang tanong ko, nginitian niya lang ako.
"Diba sabi ko sayo ibibili kita ng gown? Eh kaso ayaw mo. Baba na." Sabi niya.
Sumunod ako sa kanya. Sinalubong siya ng babaeng bantay sa boutique.
"Sir, nakaready na po yung pinareserve niyo." Sabi niya kaya napatingin ako kay Luke.
"Reserve?"
Napakamot siya ng batok.
"Eh kasi balak ko naman talagang bilhan ka ng gown." Sabi niya.
"Luke, ang dami mo ng ginastos sakin." Nahihiyang sabi ko.
Palagi niya nalang akong binibilhan ng kung anu ano. Hindi ko naman siya masuklian. Nahihiya na tuloy ako.
"You will thank me in the future." Nakangiting sabi niya atsaka pinat yung ulo ko.
Ang swerte ko talaga. Wala na akong mahihiling pa. Nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng isang Luke. Nakahanap ako ng pamilya.
"Sige na, isukat mo na." Excited na sabi niya atsaka ako tinulak papasok ng fitting room.
Doon tumambad sa akin ang napakagandang long gown. Hindi ko napigilang mapangiti.
Ngayon lang ako makakapagsuot ng ganito.
Long gown siya na long sleeves pero see through. May parang tube siya sa loob para hindi makita yung katawan ko. Ang ganda pa ng kulay, sky blue.
Ang simple lang niya pero ang lakas ng dating.
Pasasalamatan ko talaga ng sobra sobra si Luke.
"Tara. May 2 hours ka nalang para mag ayos." Sabi niya sabay hila na naman sa akin pagkatapos niyang bayaran yung gown.
Sumakay kami ng kotse atsaka nagpunta sa hindi ko alam na lugar.
BINABASA MO ANG
This is Me
Teen FictionShow the world the real you. Let yourself out from being invisible in their eyes. Being real is better than being fake. This is the right time to show them who truly you are. ©IzaBagamasbad