Chapter 37: Next To Me

13 1 0
                                    

CHAPTER 37

Rachelle's POV


Pinapractice ko yung sayaw na iniwan samin ng choreographer namin sa workshop na pinasukan ko.


Took a walk on the clouds, fell asleep on the moon
And I'm not coming down, now that I'm with you
If we ever wake up, don't know what I would do
Are we really in love
Or dazed and confused
Got me feeling like, yeah♪


Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mama. Pinatay ko agad yung radio.


"What are you doing?!" Sigaw niya nang makapasok siya.


Napalingon siya sa radio na nasa gilid ng kwarto.


"What did I told you?!" She yelled.


Ang bilis nang paghinga ko.


"You are a singer!!" Galit na galit niyang sigaw sa akin.


Napatungo ako.


Yan ang palagi niyang sinasabi sakin. Yan ang palagi niyang tinatatak sa utak ko.


Na isa akong singer.


At wala akong karapatang sumayaw.


"You need fame! You need to be a superstar!" Malakas na sabi niya sa harapan ko habang nakahawak sa parehong balikat ko.


Nanggigilid yung luha ko.


"Mother knows best! Follow me! Dancing is not your talent!"


"No, Mom." Sagot ko kaya hinawakan niya yung pisngi ko ng isa niyang kamay.


Masakit.


"Don't you dare answer me! You will do what I say!!" Galit niyang sabi atsaka ako tinulak kaya napaupo ako sa sahig.


Paglabas niya, tuluyan nang nagbagsakan yung luha ko.


She never loved me.


She never treated me well.


I'm just her puppet.


"You will be the star. You will use Vanessa's voice for fame. Do you understand?"


I remember her saying those words to me. That I should be the one to get popular.


"Don't be nice to her, ever. She's your rival. She will get your fame."


"She don't deserve an attention. Make her life miserable."


"Get Charles away from Vanessa. I don't want her to be happy."


"I am your mother and you will do anything that I want! Stop dancing!!"


Napaiyak ako sa mga naalala ko.


Ang tanga ko.


Ang tanga ko para maging puppet.


Akala ko kapag sinunod ko siya, mamahalin niya ako at mararamdaman kong itinuturing niya akong anak.


Pero hindi.


Ginagamit niya ako para sa sarili niya.


Ginagamit niya ako para sa pera.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon