Chapter 8: In real life

125 8 33
                                    

CHAPTER 8

Vanessa's POV


"Vanessa, could you please get me some water?"  Maarteng utos ni Rachelle.


Nabitin sa ere yung kutsara ko na dapat ay didiretso na sa loob ng bibig ko.


Padabog akong tumayo mula sa kinauupuan ko, wearing my fake smile. Nakasimangot akong nagsalin ng tubig sa baso niya atsaka naglakad pabalik sa mesa.


Ang aga aga binabadtrip ako agad.


"Eto, Madame." Sabi ko, emphasizing the word Madame.


Dapat nga seynorita pa eh.


Naglakad na ako pabalik sa upuan ko para ituloy ang pagkain ko ng almusal dahil papasok na ako sa school nang may inutos na naman ang bruhildang impaktang babaeng to!


ISA PA! Isa pa! Hindi na ako matapos tapos sa kinakain ko! Nawawalan na ako ng gana! Asar eh!


"Vanessa, get my books please." Nang aasar na sabi ni Rachelle habang inemphasized pa ang please.


Please your face! Bwisit talaga. Parang ang sarap manapak ngayon.


Kahit labag na labag sa kalooban ko, dali dali akong tumakbo sa second floor sa library room para kuhain yung mga libro ni Rachelle.


Pagkakuha ko, bumaba na ako at pumunta sa kusina para ituloy yung kinakain ko nang humirit na naman ang punyetang Rachelle na to!


Sorry for the word, pero nababanas na talaga ako eh! Yung feeling na gusto mo nalang tumalon sa building sa sobrang kabwisitan? Alam nyo yon?


Hindi ko alam, basta bwisit na bwisit ako sa kanya. Naiirita ako pag nakikita ko siya.


"Oh wait, my English book." Sabi niya sabay tingin sakin. Napahinga ako nang sobrang lalim.


PUNYETA.


Napairap nalang ako sa isipan ko tsaka tumayo at umakyat ulit sa 2nd floor. Nasalvage ko na nga siya eh. How I wish na magkatotoo yun.


Sana may shooting star ulit mamaya, at yun naman ang iwiwish ko. Ang magdisappear na ang mag inang to!


"Eto, mahal na prinsesa." Sabi ko sabay abot sa kanya ng English book niya sabay lakad na sa pwesto ko para ituloy ang pagkain kong kanina pa nauudlot!


"I forgot, hindi ko pala kailangan ang Math book ko. Put it back."


I can't take this anymore!!


Well, who am I para magreklamo?


"Opo, SENYORITA." I said.


Sinasagad na ba talaga ako nito? Padabog akong tumayo sa kinauupuan ko at parang nilukot na papel ang mukha ko sa sobrang inis. Peste talaga. Pwede niyo na ako bigyan ng award for having long temperance.


Pagkatapos kong kumain, (Thank God) dali dali akong tumakbo sa sasakyan at mabuti nalang mabilis ding nagdrive si manong.


My gosh! 15 minutes nalang! Kung hindi lang kasi paepal yung babaeng yon, hindi ako malelate ngayon!


Wala na, sira na ang NAPAKAGANDANG ARAW KO!


Notice my sarcasm, guys.


Dali dali akong tumakbo papasok sa gate nang makarating sa school ang sasakyan.


This is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon